EDITORYAL - 19 na mamamahayag na ang napapatay sa ilalim ng Aquino admin
MULA nang maupo si President Aquino noong Hunyo 2010, sunud-sunod ang mga napapatay na mamamahayag. Ayon sa grupo ng mga mamamahayag, nasa 19 na ang media workers na napapatay at lahat nang ito ay hindi pa nalulutas. Wala pang nahuhuli at napaparusahan. Marami ang umasa na sa pag-upo ni Aquino ay wala nang mamamahayag na mapapatay pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat nagpapaÂtuloy ang pagpatay.
Noong Biyernes, nadagdag sa listahan ng mga mamamahayag na pinatay si Joas Dignos ng Bukidnon. Si Dignos ay komentarista ng dxGT Radto Abante sa bayan ng Maramag, Bukidnon. Ayon sa report, nakatayo si Dignos at nag-aabang ng masasakyan nang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang tumigil sa harapan niya at pinagbabaril. Namatay agad si Dignos sa pinangyarihan ng krimen. Walang anumang nakatakas ang dalawang nakamotorsiklo. Noong nakaraang Hunyo, ang radio station na pinagtatrabahuhna ni Dignos ay hinagisan ng granada. Nangyari ang paghahagis ng granada habang nasa ere ang taped commentary ni Dignos. Umano’y maÂanghang ang mga banat ni Dignos sa kanyang programa. Hanggang ngayon wala pang lead kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Dignos. Blanko ang pulisya sa krimen. Pinangangambahang wala ring mangyari sa kaso ni Dignos.
Nangyari ang pagpatay, isang linggo makaraang gunitain ang ika-apat na taon ng Maguindanao massacre kung saan 58 ang pinatay at 32 rito ay mga mamamahayag. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya sa mga pinatay.
Patuloy ang “pagpapatahimik†sa mga mamamahayag at walang makitang malasakit ang pamahalaan. Walang nakikitang pagpupursigi para mahuli ang mga “utak†at nagsagawa ng pagpatay. Kailan poprotektahan ang mamamahayag sa bansang ito? Hahayaan na lang ba itumba sila nang itumba?
- Latest