HINDI lamang tao ang kinaÂkasuhan at kinukulong kapag nangagat at nanipa, pati buriko (donkey) ay gaÂnito rin ang ginagawa.
Isang naghuramentadong donkey sa Chiapas, Mexico ang ikinulong ng mga pulis dahil sa pagsipa at pagkagat sa dalawang tao. Ikinulong ang donkey sa selda na karaniwang pinagkukulungan ng mga taong inaaresto dahil sa sobrang kalasingan at panggugulo sa publiko.
Ayon sa report, nagwala ang donkey malapit sa isang ranch at kinagat si Genaro Vasquez, 63, sa dibdib. Nagtamo nang malalim na sugat si Vasquez. Pagkatapos mangagat, sinipa naman nito si Andres Hernandez, 52, at nabali ang buto sa sakong. Ayon kay Hernandez, sumugod siya para tulungan si Vasquez pero sinipa siya ng donkey. Dahil sa pinsala, hindi makalakad si Hernandez. Dinala sa ospital sina Hernandez at Vasquez.
Pinagtulung-tulungan ng anim na tao ang donkey para mapigilan sa paghuhuramentado. NaÂpakalakas ng donkey na para bang sinasaniban ng masamang espiritu. Dinala ito sa malapit na police station at ikinulong.
Hangga’t hindi nagbabayad ang may-ari ng donkey na nakilang si Mauro Gutierrez ay hindi palalayain ang hayop.
Napilitang magbayad si GuÂtierrez ng $420 para sa medical bills ng dalawang biktima ng donkey.
Pinalaya rin ang donkey pagkaraang magbayaran.