Lampong (484)

LALO nang napabalita ang sarap ng Uloy nuts nang makapasok ito sa malalaking grocery store sa Metro Manila at iba pang city sa bansa. Hindi akalain ni Dick at Jinky na magiging usap-usapan ang Uloy nuts.

“Ninong, may mga bagong order po  tayo, tatanggapin po ba natin?’’

“Oo.’’

“Pero baka kapusin po tayo. Yung mga dried Uloy nuts natin sa bodega ay para sa isang grocery store sa Cebu.’’

“Ganun ba? Sige, huwag mo munang tanggapin at baka mapahiya tayo. Sabihin mo, baka next month na lang.’’

“Opo Ninong.’’

Makaraan ang ilang araw ay marami na namang nag-oorder at wala ring magawa sina Dick kundi tanggihan. Baka lang mapasubo sila ay magdulot pa ng problema.

“Kailan ko po pababalikin ang customer, Ninong.”

“Sabihin mo sa next month na. Nagha-harvest pa tayo.”

“Opo.”

Napa-tsk-tsk si Dick. Ngayon lang talaga nangyari na sunud-sunod ang order sa kanila. Wala na silang maibigay.

Mayroong nagreklamo na hindi sila inuna. Inaway si Dick.

“Pangako mo ngayong week pero wala pala. Ano ba ’yan. Mayroon kaming paunang bayad.’’

“Huwag kang magalit Sir, ibabalik ko na lang ang payment mo. Sorry dahil hindi nasunod ang usapan natin.’’

“Buwisit!”

Pagod na pagod si Dick. Problema rin pala kapag maraming order.

Sa gabi pagod na pagod­ siya kaya ma­daling natutulog.

At problema rin dahil napapabayaan na naman niya si Jinky. Madalas nakikita niya si Jinky na nakahilata sa kama. Nanunukso sa kanya.

Pero tila wala nang lakas si Dick.

Kaya niya pero parang walang lakas.

Delikado na naman yata siya.

(Itutuloy)

Show comments