Ano ang kailangan mo?

BALEWALA ang sipag, tiyaga, capital, kaibigan at koneksiyon kung hindi magagamit sa isang magandang plano. May plano ka ba?

Sabi, wala pang baha nang gumawa ng arko si Noah. Pero nang dumating ang baha, handa siya. Katulad ka ba ni Noah? 

Ayon kay Zig Ziglar, walang eksaktong plano na nasusunod. Ito ay dahil ang final say, ang may hawak ng great plan ay ang Big Boss sa itaas. Pero hindi ito dahilan para hindi natin planuhin ang ating mga buhay para makamit ang mga mithiin. Ang punto ni Ziglar ay ang makagawa tayo ng plano na may layunin, may nais makuha ngunit may espasyo rin para sa mga hindi inaasahang magaganap. Flexiplan, ika nga.

Dagdag pa ni Ziglar, yung mga nagtatagumpay ay ang mga taong may plano pero hindi nakakalimot kung sino talaga ang in-charge o may huling pasya sa kanilang pinagplanuhan. Ito ang mga taong alam ang gusto nila ngunit nananatiling flexible sakaling may hindi umubra sa mga plinano nila. Higit sa lahat ay willing silang mabago ang mga ito dahil alam nilang may magandang rason kung bakit hindi gumana ang kanilang naisip.

Mahalaga rin, ani ni Ziglar na tandaang ang buhay ay isang paglalakbay at hindi isang destinasyon. Mahalagang makarating ka sa nais mong paroonan. Pero higit na mahalaga rito ang iyong mga naranasan. Dapat din ay naiintindihan mo na ang iyong time table ay iba sa time table Niya at Siya ang talagang may kontrol sa lahat at sa bilis ng tatakbuhin ng mga plano mo sa buhay. God is the Great Planner. He is not always early, but he is never late. God is always on time.

Pinunto rin ni Ziglar na hindi kailangang maging eksperto bago magsimula sa paglalakbay sa buhay tungo sa pagkamit ng pa­ngarap. Maraming tao ang nag-aatubili at nag-aalala kung maga­ling ba sila at sapat ba ang kanilang kaalaman upang makuha ang gusto nila. Fear immobilizes you. Along the way ay makakapulot ka ng aral na daragdag sa karunungan para gumaling ka. Pero ang passion mo ay sapat na upang magsimula ka. Upang humakbang ka ng isa. Kailangan lang ay manalig ka na ang bawat hakbang mo ay naiilawan at sapat lamang ang ilaw upang makita mo ang susunod na yapak na gagawin mo.

 

Show comments