…sa pagpapalaki ng anak na lalaki:
1. Mahalin mo nang tapat ang ina ng iyong anak. Para kapag tatay na siya, magiging faithful din siya sa ina ng kanyang anak. A good example is the best teacher.
2. Turuan mo siyang maging mapili. Lalo na sa babae. Kasi kung hindi matuturuan, baka basta’t nakapalda, puwede na.
3. Mamasyal kayong mag-ama, manood ng sine, o ball game, para matutuhan niya kung gaano kahalaga ang pagbibigay ng oras sa mahal sa buhay.
4. Turuan siyang maging matapang pero paalalahanan mo: its okey to cry.’
5. Share secrets together. Hindi lang bilang ama, maging bff (best friend forever) ka rin sa kanya.
6. Turuan siya ng “mannersâ€. Kahit hindi kagandahang lalaki, kapag magalang magsalita, pumopogi ang isang lalaki sa mata ng mga babae.
7. Teach him to choose his battle. Hindi lahat ng laban ay dapat patulan. Turuan siya kung kailan maninindigan o kung kailan tatalikod upang umiwas sa suntukan.
8. Kapag naglalaro kayo, pagbigyan mong manalo siya. Para maisip niya na “big things are possibleâ€.
9. Bata pa lang ay sanayin na siyang magkuwento sa iyo ng mga saloobin niya, upang paglaki niya, bukas na ang komunikasyon ninyo.
10. Maging mabuting tao para maging mabuting halimbawa sa anak. Sinabi minsan ng American inventor na si Charles F. Kettering, “ Mas malaki ang tsansa na gayahin ng anak ang ginagawa ng kanyang ama kaysa sundin ang pangaral nitoâ€.
“A FATHER should be his son’s first hero, and his daughters first love...â€