HABANG nakatingin sa punong Uloy si Dick, naipagpasalamat naman niya na hindi ipinagtapat sa police colonel na ang gamot na PENISITIK ay nagmula sa Uloy. Kung sinabi niya, baka hindi na matapos ang problema. Hayaan na lang ang nalaÂlaman ng police officer na ang PENISITIK ay nanggaling sa “ari†ng itik ayon sa imbentor na si Rey. Hanggang doon na lang ang story sa PENISITIK. Ayaw na niyang masangkot sa pagkakadiskubre ng kontrobersiyal na gamot.
KINABUKASAN, laman ng diyaryo ang pagkakapatay sa imbentor ng PENISITIK na si Rey. Ayon sa report, isini-served ang warrant of arrest sa wanted rapist na si Rey nang lumaban ang mga ito sa pulis. Dalawang pulis ang sugatan. Napilitang barilin si Rey dahil dangerous na ito.
Nakasaad din sa baÂlita na si Rey ang imbentor ng PENISITIK. Marami umanong napagaling ang gamot subalit wala pang isang taon ay nawalan na ng bisa. Ayon sa mga scientist maaaring nagahaman sa perang kabayaran ng drug company ang napatay na imbentor kaya nagkaroon ng pagbabago sa sangkap ng PENISITIK. Opinyon ng mga eksperto, sadyang binago ni Rey ang mga ingredieÂnts para maipagbili sa ibang drug company at nang tumiba muli ng pera.
Ayon pa sa balita, wala nang nagtitiwala sa gamot. Kaya ang pagkakapatay sa imbentor ay hudyat din na wala na ang gamot na PENISITIK. Tuluyan nang mawawala sa pamilihan at makakalimutan na talaga ito.
Ikinatuwa iyon ni Dick. Mabuti ngang mawala na ang isyu. Ayaw niyang masangkot pa sa PENISITIK. Mas gusto niyang paunlarin pa ang ULOY NUTS. Dito siya magtatagumpay nang todo at gaganda ang buhay.
(Itutuloy)