^

Punto Mo

Lampong (482)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nakatingin sa punong Uloy si Dick, naipagpasalamat naman niya na hindi ipinagtapat sa police colonel na ang gamot na PENISITIK ay nagmula sa Uloy. Kung sinabi niya, baka hindi na matapos ang problema. Hayaan na lang ang nala­laman ng police officer na ang PENISITIK ay nanggaling sa “ari” ng itik ayon sa imbentor na si Rey. Hanggang doon na lang ang story sa PENISITIK. Ayaw na niyang masangkot sa pagkakadiskubre ng kontrobersiyal na gamot.

KINABUKASAN, laman ng diyaryo ang pagkakapatay sa imbentor ng PENISITIK na si Rey. Ayon sa report, isini-served ang warrant of arrest sa wanted rapist na si Rey nang lumaban ang mga ito sa pulis. Dalawang pulis ang sugatan. Napilitang barilin si Rey dahil dangerous na ito.

Nakasaad din sa ba­lita na si Rey ang imbentor ng PENISITIK. Marami umanong napagaling ang gamot subalit wala pang isang taon ay nawalan na ng bisa. Ayon sa mga scientist maaaring nagahaman sa perang kabayaran ng drug company ang napatay na imbentor kaya nagkaroon ng pagbabago sa sangkap ng PENISITIK. Opinyon ng mga eksperto, sadyang binago ni Rey ang mga ingredie­nts para maipagbili sa ibang drug company at nang tumiba muli ng pera.

Ayon pa sa balita, wala nang nagtitiwala sa gamot. Kaya ang pagkakapatay sa imbentor ay hudyat din na wala na ang gamot na PENISITIK. Tuluyan nang mawawala sa pamilihan at makakalimutan na talaga ito.

Ikinatuwa iyon ni Dick. Mabuti ngang mawala na ang isyu. Ayaw niyang masangkot pa sa PENISITIK. Mas gusto niyang paunlarin pa ang ULOY NUTS. Dito siya magtatagumpay nang todo at gaganda ang buhay.

(Itutuloy)

AYAW

AYON

DALAWANG

DITO

HANGGANG

HAYAAN

IKINATUWA

PENISITIK

ULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with