“PATAY na raw ang suspect, Mr. Dick. DOA raw sa ospital,’’ sabi ng police officer na nakabaril kay Rey.
Natahimik si Dick. Napakasama nang naging wakas ni Rey. Akalain ba niyang mamamatay ito sa bala. Sabagay, si Rey din ang dapat sisihin sa maagang kamataÂyan. Kung hindi siya lumaban sa mga pulis, baka buhay pa siya. Hindi masisisi ang mga pulis sapagkat dangerous na ito. Dalawang pulis ang muntik nang malagas. Napilitan nang barilin ito.
“Sige po Sir Dick, maÂrami pong salamat sa koÂoperasyon n’yo at napigilan ang paglubha ng sitwasyon. Kung mayroon po kaming itatanong kaugnay sa pagkamatay ni Mr. Rey, pupuntaÂhan ka namin. Puwede po ba?â€
“All the time po, Colonel. Wala pong problema.’’
“Salamat po nang maÂrami, Sir Dick. E ngayon po na wala na ang co-inventor n’yo, ipagpapatuloy mo po ba ang PENISITIK?â€
Napangiti lamang si Dick.
“Kasi po hanga talaga ako sa gamot na iyon at palagay ko maraming matutulungan na mga kalalakihan. Ituloy mo po, Sir Dick. Ikaw naman pala talaga ang original inÂventor at nakisawsaw lang si… yung suspect.’’
“Bahala na Colonel. Pag-iisipan ko pa.’’
“Hanga ako sa talino mo Sir Dick. Talaga bang sa ari ng itik galing ang PENIÂSITIK? Naiintriga po kasi ako. Sabi kasi sa write-ups ng PENISITIK nang ilunsad ito last year, nanggaling daw ito sa ari ng lalaking itik. Totoo po ba yun?’’
“Saka ko na lang sasabihin, Colonel. Sorry ha?â€
“A, okey lang po. Sige po Sir Dick aalis na po ako.’’
“Maraming salamat, CoÂlonel.Â’’
Umalis na ito.
Subalit nakakailang hakbang pa lang ay bumalik si Colonel kay Dick. Nagtaka si Dick.
“Sir Dick, itatanong ko lang kung anong puno ang binagsakan ng suspect.â€
“Uloy.’’
“Meron pong bunga ang uloy at doon bumagsak ang suspect. Puwede po bang kaÂinin ang Uloy?â€
“Oo. Matamis ang laman. Pero ang pinakamasarap ay ang buto.â€
“Talaga po Sir Dick.’’
“Oo. Para mapatunayan mo e padadalhan kita. Sandali at magpapakuha ako ng bunga.’’
“Salamat po, Sir Dick.’’
Tinawag ni Dick ang isang tauhang lalaki at pinakuha ng hinog na Uloy.
Makaraang ang 15 minuto ay narito na ang inutusan niya. Anim na hinog na Uloy ang bitbit nito.
Ibinigay ni Dick ang mga Uloy kay Colonel.
“Masarap ito, Colonel. Pagkatapos mong masipsip ang buto, ay patutuyuin sa araw. Pagkatapos ay kukunin ang seed at isasangag. Mas masarap pa kaysa mani.’’
“Maraming salamat, Sir Dick. Aalis na po ako. MaÂbuhay ka Sir Dick!â€
Masayang umalis si CoÂlonel. Bitbit ang mga Uloy.
Nang makalayo na si CoÂlonel ay nilapitan ni Dick ang isang punong Uloy. Umusal ng pasasalamat sa punong Uloy. Humanga siya sa puno. Napakarami palang matutulungan ng punong ito. At isa na siya sa labis na natuluÂngan. Ito ang nagdala sa kanya sa pag-unlad.
(Itutuloy)