Lalaki, may magnet ang katawan

MAYROON daw siyang magnetic powers. Lahat daw ng metal objects ay maaari niyang padikitin sa katawan at hindi malalaglag ang mga iyon. Iyan ang sabi ni Miroslaw Magola, 55-anyos.

Sabi ni Migola, genuine ang kanyang kaalaman. Hindi raw siya nagmamadyik o kung anu-ano pang tricks ang ginagawa. Hindi raw siya gumagamit ng glue o adhesives.

Para patunayan ang kanyang kakaibang powers, ipinakita ni Magola sa publiko kung paano niya pinadikit ang mga lata ng beer, kawali, kaldero, stainless na baso at marami pang metal. Pagkaraang dumikit ang mga metal na bagay, naglulukso nang paulit-ulit si Magola. Wala ni isa mang gamit na nahulog sa kanyang katawan. Talagang mayroong magnet ang kanyang katawan.

Sabi ni Magola, tinuruan daw niya ang sarili kung paano ma-attract ang mga lifeless objects at dumikit sa kanyang katawan. Ginawa raw niya iyon noong 1990 na siya ay kasalukuyang kumukuha ng masteral degree. Napatunayan niyang kaya niyang padikitin ang metal object. Nagbuhos daw siya ng oras para maperpekto ang teknik. Ilang taon daw ang kanyang ginugol para pag-aralan ang human magnetism.

Ayon pa kay Magola, bukod sa magnetism, pinag-aaralan din niya ang ukol sa telepathy at psychokinetic energy. Malaki raw ang maitutulong ng mga ito sa sangkatauhan.

 

Show comments