Bansang Amerika at pati ang UN
Nagdala ng tulong – gamot at pagkain;
Nang makita nilang tayo ay wasakin
Ng bagyong Yolanda sila ay dumating!
Mga Amerkano’y lagi ng katulong
Nitong ating bansa’y bakit itinaboy?
Mali ang ginawa ng Pangulo noon
Pagka’t nagpadala sa maling desisyon!
Nang ang mga Kano’y narito sa bansa
Kabuhayan natin ay naging sagana;
Mga mamamayan maraming biyaya
At ang bayan nati’y ligtas at payapa!
At ngayong ang bansa’y nasa kalamidad
Sila pa ang unang sa ati’y lumingap;
At kung may magtangkang ang bansa’y ibagsak
Amerika pa rin ating tinatawag!