Mga Katotohanan tungkol sa Pagsisinungaling
1. Sa US survey, ang isang Amerikano ay nagsasabi ng average na 11 kasinungalingan per week.
2. Ang madalas na top 3 kasinungalingan na sinasabi sa online dating: 1) kaunting dagdag-bawas sa height , vital statistics or weight. Tutal hindi agad malalaman kahit pa magkita sila nang personal. 2) sasabihing non-smoker kahit chain smoker pala. 3) magyayabang na may hobby pero wala pala.
3. Sa US pa rin, mas marami silang sinasabing kasinungalingan sa buwan ng January. Galing kasi Christmas vacation at payabangan kung saan nagbakasyon, gaano karami ang natanggap at naipamigay na regalo, ano ang inihanda nilang pagkain.
4. Mas maraming kasinungalingan ang nasasabi ng isang tao kung nagsusulatan or nagte-texting lang sila ng kausap kaysa kapag magkaharap sila — face to face.
5. Isa sa bawat 12 aplikante ay may inilalagay na kasiungalingan sa kanilang resume.
6. Base sa survey, ang pelikulang Godfather ang laging sinasabing napanood ng mga tao pero hindi naman.
7. Ayon sa pag-aaral ng Journal of Marketing Communications, mas mapagkakatiwalaang endorser ng cell phone at toothpaste ang lalaking may balbas kaysa clean-shaven. Pero hindi pinapaniwalaan bilang endorser ng underwear advertisement.
(Itutuloy)
- Latest