Halos aabot na sa 4, 000 ang naiuulat na nasawi bunga nang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas .
Bukod dito marami pa rin ang nawawala. Inaasahang tataas pa ang bilang sa mga darating na araw habang patuloy pa rin ang isinasagawang retrieval operation . Aabot naman sa sampung 10 milyon nating mga kababayan ang lubhang naapektuhan ng naturang bagyo. Mabuti -buti na lamang at ngayon ay umuusad na ang isinasagawang relief operation at unti - unti na ring nakakarating sa ating mga kababayan ang tulong. Talagang nakapanlulumong makita na ilang araw ring dumaing ng gutom ang ating mga kababayan dahil hindi agad naipasok ang tulong. Ngayon unti - unti nang nakakarating ang tulong sana ay tuluyan na ring masamsam ang lahat ng mga labi ng nasawi na kumalat sa kung saan saang lugar.
Dagdag pahirap kasi ito sa mga naging biktima ng bagyo na hanggang sa ngayon ay wala pa ring masilungan dahil sa nawasak nilang mga bahay ay titiisin pa ang mabahong amoy sa paligid.
Baka naman maging problema din lalu na ang pagkalat ng sakit at epidemya.
Masakit at pabigat din sa damdamin ang makita nila ang labi ng mga nasawi na nasa tabi-tabi lamang, hindi lang nakikita, naaamoy pa. Trauma ang ganitong mga tanawin sa mga biktima, ma-ging ang debris ng basura na dulot ng bagyo sana ay unti-unti na ring mahakot at malinis ang paligid.
Ang paglilinis sa mga lugar na sinalanta ng bagyo ay makakatulong sa mga naging biktima ng kaliwanagan para sa kanilang muling pagbangon. Mahirap ang kanilang pagkilos kung ang paligid na ginagalawan ay nandon pa rin ang dilim dulot ng mga debris dala ng bagyo.
Marapat lang na maging prayoridad ang pagkakalob muna ng mga pangunahing pangangailan ng mga naging biktima pero sana hangga’t maaari ay maisabay na rin dito ang paglilinis sa paligid para magkaroon na rin ng direksyon ang gagawing pagbangon ng ating mga kababayan.
Ang tanawing dulot ng pananalasa mg bagyo ang isa rin sa pangunahing dahilan kaya gusto nang lisanin ng ating mga kababayan ang kanilang lugar.
Kaya mgang importanteng malinis at pagliwanagin na rin angga dakong ito.
Maaaring matagalan , pero ang mahalaga ay agad na itong masimulan sa lahat ng aspeto ng pangangailan ng ating mga kababayan. ng kaliwanagan para sa kaÂnilang muling pagbangon. Mahirap ang kanilang pagkilos kung ang paligid na ginagalawan ay nandon pa rin ang dilim dulot ng mga debris dala ng bagyo.
Marapat lang na maging prayoridad ang pagkakaloob muna ng mga pangunahing pangangailan ng mga naging biktima pero sana hangga’t maaari ay maisabay na rin dito ang paglilinis sa paligid para magkaroon na rin ng direksyon ang gagawing pag baÂngon ng ating mga kababa-yan.
Ang tanawing dulot ng pananalasa ng bagyo ang isa rin sa pangunahing dahilan kaya gusto nang lisanin ng ating mga kababayan ang kanilang lugar.
Kaya ngang importan-teng malinis at pagliwanagin na rin ang dakong ito.
Maaaring matagalan, pero ang mahalaga ay agad na itong masimulan sa lahat ng aspeto ng pangangailangan ng ating mga kababayan.