Ang ‘magic’ ng mangga

BASTA’T ang alam ng karamihan ay mayaman sa vitamin C at B ang mangga. Maliban doon ay wala na. Ngunit alam n’yo bang maraming benepisyo sa pagkain ng mangga, hilaw man ito o hinog?

 A. Natural Benefits sa hilaw na mangga:

Heat stroke: epektibong remedyo sa heat stroke ang pag-inom ng green mango juice. Isang paraan ay ang pagkain ng hilaw na mangga sawsaw sa asin, asukal o bagoong. Ang epekto nito ay mauuhaw ka at iinom ng maraming tubig.

Constipation, hindi matunawan, pagtatae or morning sickness sa naglilihi: ang kakainin na mangga ay iyong mura (young) ang buto, isang palatandaan ay puti pa ang buto. Kainin ang mangga at isawsaw sa asin o honey.

Blood disorder: kapag kumakain ng hilaw na mangga, madaling maka-absorb ang katawan ng iron mula sa ating kinakain. Bukod dito, lumalakas ang ating resistensiya laban sa tuberculosis, anemia, cholera at dysentery.

Pagdurugo ng gums at singaw sa bibig: mayaman sa vitamin C ang mangga kaya hinahadlangan nito ang mga nabanggit na problema.

B. Natural Benefits ng hinog na mangga:

Kung sobrang payatot at gustong tumaba: mag-mango-milk diet ng almusal, tanghalian at hapunan sa loob ng isang buwan. Kakain muna ng  mangga tapos iinom ng gatas. Ang gatas ay hindi dapat lagyan ng asukal dahil mataas ang asukal ng manggang hinog. Ito ay para lamang doon sa namamayat ngunit walang diabetes. Magtanong sa doktor kung gaano karaming mangga ang dapat kainin per meal.

Sakit sa mata: ang pagkain ng hinog na mangga ay mainam sa may night blindness, dryness ng mata at nangangating mata.

Rhinitis, sinusitis, sipon: Maiiwasan ang pag-atake nito kung kakain ng mangga dahil mayaman ito sa vitamin A.

Precaution: Kung sensitive ang tiyan, hindi dapat kumain ng mahigit sa dalawang pirasong manggang hilaw per day at magdudulot ito ng pagtatae at pangangasim ng sikmura.

Source: http://www.best-home-remedies.com/herbal_medicine/fruits/mango.htm

 

Show comments