Ang unang tao na sumailalim sa plastic surgery

SI Walter Yeo, isang British sailor noong World War I ang sinasabing unang tao na sumailalaim sa plastic surgery. Ang nagsagawa ng plastic surgery ay si Sir Harold Gillies, na tinaguriang “Ama ng Plastic Surgery”.

Grabeng nasugatan si Walter habang sakay ng HMS Warspite noong 1916 sa Battle of Jutland. Machinegunner si Walter. Nasapol ng bala ang kanyang mukha na naging dahilan para mawala ang kanyang upper at lower eyelids.

Noong 1917 sumailalim siya sa plastic surgery. Gumamit ng skin grafts si Gillies. Kumuha siya ng skin sa parte ng katawan ni Walter na hindi na-damage. Ginawa ang grafting sa Queen Mary’s Hospital sa Sidcup. Si Walter ang unang nakinabang sa bagong technique ni Gillies na tinawag na “tubed pedical.”

Tagumpay ang plastic surgery kay Walter. (www.oddee.com)

Show comments