^

Punto Mo

Gimik ng videographer, hulog sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BISTADO na ng BITAG ang gimik ng isang photographer o videoman sa Dasmariñas, Cavite.

Matagal na siyang hinahanting ng mga tinataguan at inindiyan niyang kliyente sa modus niyang Kasal-Binyag-Libing (KBL), pag-aalok ng kumpletong serbisyo o full wedding coverage.

Ang usapan, wala na umanong poproblemahin pa ang mga kliyente dahil kasama na sa alok niyang package ang wedding album, portrait at video coverage.

Sa halagang P50 hanggang P80 libo na kabuuang bayad sa serbisyo, marami ang pumatos at nagoyo sa gimik na ito.

Subalit, nabisto ang hokus-pokus ng Eros Photography nang bumulilyaso at hindi natupad ng videographer/photographer na si Eros Astillero ang serbisyong full wedding coverage.

Isa si Donald sa mga naengganyo at nabiktima ni Astillero sa kanyang modus na “KBL.”

Bago pa man daw kasi ang kasal, huli na nang malaman niya na ang pangakong serbisyo ay modus.

Napag-alaman din ng BITAG na mayroon pang 20 mag-asawa na kaparehong nagrereklamo rin laban sa dorobong videographer.

Kaya nang makorner ng mga biktima, awtoridad at BITAG ang putok sa buhong videographer, tigas-tangging banat agad si kolokoy.

Nabankarote umano ang kanyang negosyo kaya napilitan siyang isara ang puwesto sa isang mall sa Mandaluyong. Hindi na rin daw niya nakontak pa ang kanyang mga kliyente.

Tumanggi man na tanggapin ni Astillero ang demand letter ng  mga pobreng mag-asawang nabiktima niya, determinado naman ang mga ito na panagutin siya sa kanyang panggagantso.

Babala ng BITAG sa publiko, ngayong alam n’yo na ang mga gimik o ang “KBL,” nasa inyo na ang pag-iingat.

ASTILLERO

BABALA

CAVITE

DASMARI

EROS ASTILLERO

EROS PHOTOGRAPHY

ISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with