Lampong (469)

“M AGANDANG tanghali po. Ako po si Mr. Timoteo Ti, isang negosyante mula sa Maynila. Ikaw po ba si Mr. Dick?” tanong ng lalaki.

“Opo. Ako nga po.”

“Ikaw nga po ba ang may-ari ng Uloy Nuts?”

“Opo.’’

“Salamat naman at nakilala kita, Mr. Dick. Actually­, noong isang linggo pa kita pinaha­hanap sa mga employee ko pero walang makapagsabi kung saan ka hahanapin. Mabuti na lang at ang isang employee ko ay nag-research sa internet at nakita ang pangalan mo na may-ari pala ng Uloy Nuts…’’

“Ano po ang kailangan mo sa akin, Mr. Ti?”

“Alam mo Mr. Dick, nakakain ako ng iyong produkto --- ang Uloy Nuts (garlic flavor) at adobo flavor. At ito ang masasabi ko, sa lahat nang natikman kong nuts sa buong mundo, ang Uloy Nuts mo ang “pinaka” sa lahat.’’

“Ano pong “pinaka” Mr. Ti?”

“Pinaka-masarap, pinaka-malinamnam, pinaka-suwabe, pinaka-da best.”

“Salamat po Mr. Ti.”

“Alam mo, ngayon pa lang ako nakakain nang ganito kasarap na nuts sa buong buhay ko.’’

“Salamat po uli, Mr. Ti.”

“E hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Mr. Dick. Gusto ko sanang bilhin ang pagmamay-ari ng Uloy Nuts. Name your price, Mr. Dick at baka magkasundo tayo.’’

Napangiti si Dick.

“E tatapatin na rin agad kita Mr. Ti. Hindi ko po ipinagbibili ang Uloy Nuts.”

“Kahit na malaking ha­laga ang i-offer ko?”

“Kahit na po Mr. Ti.’’

“Alam mo, Mr. Dick, sa negosyo dapat ay gumagalaw. Ibig kong sabihin, kailangan ay magpasalin-salin sa ibang kamay para gumanda pa ang pro­dukto. Malay mo, baka mas gumanda o sumarap pa ang Uloy Nuts.’’

“Final na po ang desisyon ko, Mr. Ti. Hindi ko pinagbibili ang Uloy Nuts.’’

Nagpaalam na si Mr. Ti. Bigung-bigo ito. Hindi makumbinsi si Dick.

Pero makaraan ang isang linggo ay muling nagbalik si Mr. Ti. At nalaman ni Dick ang ka­­to­tohanan kung bakit gusto nitong mabili ang Uloy Nuts.

“Dito sa Uloy Nuts mo ako nagkaroon ng sigla. Nagamot ang erectile dysfunction ko. Alam mo ba yun, Mr. Dick?”

Mulagat si Dick.

(Itutuloy)

Show comments