Lalaki, pinalaya maka raang makulong ng 20 taon sa kasalanang hindi niya ginawa; marka ng kagat sa biktima hindi sa kanya

MARAMING bilanggo ang nagdurusa dahil sa kasalanang hindi naman sila ang gumawa. May mga bilanggong nawalan na ng pag-asa na makakalaya pa kahit wala naman silang sala. Mayroong pinagpasa-Diyos na lamang ang kanilang kapalaran sa bilangguan.

Para kay Gerard Richardson ng New Jersey, wala nang pag-asa pang makakalaya siya. Dalawampung taon na siyang nagdurusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Pero biglang nagbago ang lahat para kay Richardson. Nang rebyuhin ang kanyang kaso, napatunayang wala siyang kasalanan. Hindi siya ang murderer ng 19-anyos na babae na natagpu­ang patay sa Bernards Township, New Jersey noong 1994.

Ang pinagbasehan ng pagpapalaya kay Richardson ay ang marka ng kagat na nakita sa biktima.

Sa pamamagitan ng DNA at sa tulong ng Innocence Pro­ject, napatunayan na ang mga kagat na nakita sa katawan ng biktima ay hindi kay Richardson. Sa ibang lalaki ang mga kagat na iyon.

Binigyan ng compensation si Richardson dahil sa maling conviction. (www.oddee.com---)

Show comments