NAPAKASAKLAP ng nangyari kay James Richardson. Napagbintangan siyang nilason ang pitong anak at siya ay nakulong ng 21 taon. Pagkaraan nang matagal na pagkakakulong saka umamin ang totoong lumason sa pitong anak ni Richardson.
Nangyari ang krimen noong Okt. 25, 1967. Ang pitong anak nina James RichardÂson at Annie Mae na may edad 8 at 2 taong gulang ay namatay dahil sa pagkalason sa insecticide na parathion. Inihalo umano ang parathion sa pagkain ng mga bata.
Bago ang pangyayaring iyon, inihanda ng mag-asawang Richardson ang pagkain ng mga bata — beans, rice at grit. Ang pagkain ay nilagay sa refrigerator. Ang mag-asawa ay nagtatrabaho sa orange groves na 16 miles ang layo sa kanilang siyudad na Arcadia. Ipinagbilin nila iyon sa kanilang kapitbahay na si Bessie Resse na nagbi-babysit sa kanilang mga anak.
Sa pangyayaring iyon, si Richardson ang pinagbintangang lumason sa mga bata. Ginawa raw iyon dahil sa insurance. Idiniin siya ng mga pulis at prosecutor.
Makalipas ang 21 taon, umamin ang totoong killer ang babaing nagbi-babysit sa mga bata – si Bessie Resse.
Pinalaya si Richardson. Siya ay 77 taong gulang na ngayon.