Ang mga sumusunod ay testimonya ni Father Jose Maniayangat, isang Indian national, tungkol sa kanyang near-death experience noong 1985.
Ang Pagbisita sa Purgatoryo
Pagkagaling sa impiyerno ay sinamahan naman ako ng anghel sa purgatoryo. Mayroon din pagpapahirap sa mga kaluluwa at mayroon din apoy kagaya sa impiyerno ngunit hindi kasing intense ng sitwasyon sa impiyerno. Ang kaluluwang napapunta sa purgatoryo ay iyong nakagawa rin ng mortal sins ngunit nagsisi sila at humingi ng tawad sa Panginoong Diyos noong nabubuhay pa. Kahit ang mga kaluluwa ay naghihirap sa purgatoryo, naroon pa rin ang pag-asa nila na darating ang panahon na makakapiling din nila ang Panginoong Diyos. Isang kaluluwa ang aking nakausap. Ang pakiusap nito: Ipagdasal daw sana sila ng mga tao upang mapabilis ang pag-akyat nila sa langit.
Ang Pagbisita sa Langit
Isang nagliliwanag at puting tunnel ang aking dinaanan kasama ang aking guardian angel patungo sa langit. Habang naglalakbay sa tunnel, noon ko lang naranasan ang nag-uumapaw na katahimikan at galak sa aking puso. Kaagad bumukas ang kalangitan. Narinig ko ang pinakamagandang musika at tinig ng nag-aawitang anghel. Awit iyon ng pagpupuri sa Panginoong Diyos. Naroon ang Mahal na Birheng Maria at si San Jose. Nakita ko rin ang mga santo at santa, mga Bishops at pari na binabalot ng maliwanag na ilaw. Nang humarap ako sa Panginoong Hesus, sinabi niya sa akin: Nais kong magbalik ka sa daigdig. Ikaw ang gagawin kong instrumento upang magbalik-loob ang mga tao sa akin.
Kinausap din ako ng Mahal na Birheng Maria: Sundin mo ang sinabi ng Panginoon. Tutulungan kita upang matupad ito. Sa tulong ng aking guardian angel, ako ay nakabalik sa ating daigdig. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang kagandahan ng langit. Sa ospital, matapos ideklara ng doktor na ako ay patay na, inilalabas na ang aking bangkay sa morgue nang bigla akong sumigaw dulot ng sakit mula sa mga sugat at nabaling buto. (Itutuloy)