K AHIT merong itik si Rey kung wala namang uloy nuts na natutuka, balewala rin ang imbensiyon. Ang uloy nuts ang nagpapasigla sa pagkalalaki at hindi mismo ang itik. Iyon ang isang pagkakamali ni Rey, akala niya basta karneng itik, iyon na ang “mahiwagang gamotâ€.
Kinausap niya si Mulong na huwag munang maÂikukuwento kahit kanino, kahit kay Tina ang tungkol sa ginawa ni Rey na pag-angkin sa gamot na original ay siya ang nakatuklas.
“Oo Ninong. Wala akong pagsasabihan. E kay Ninang Jinky, sasabihin mo ba ang tungkol dun.â€
“Hindi. Pero baka maÂÂlaman na rin niya dahil tiyak na nasa google na’yan. Baka naka-post na sa facebook at kung anu-ano pa.’’
“Nanggigigil talaga ako Ninong kay Pareng Rey mo. Sana naman, isinama ka niya dahil kung hindi sa’yo hindi matutuklasan ang “miracle drug†mula sa itik.’’
“Hayaan mo na si Rey, Mulong. Malay mo baka tayo naman ang suwertehin sa susunod.’’
“Ang uloy nuts ang paÂunlarin natin, Ninong.’’
“Yan din ang naiisip ko, Mulong. Sa pinanggagaÂlingan ng power tayo mag-concentrate.’’
“Kailangan, magtanim tayo nang maraming uloy, Ninong.’’
“Iyan ang gagawin natin, Mulong. Kapag marami na tayong puno ng uloy maÂgiging dalawa ang ating pagkukunan ng ikabubuhay. At malay mo, dito na tayo yumaman.â€
“Malaki ang posibilidad, Ninong. At kapag mayaman na tayo, tiyak ko, lalapit muli sa atin si Pareng Rey mo. Lalapit siya dahil wala nang bisa ang naimbento niya mismo. Wala nang maniniwala sa kanya. Aakusahan pa siya ng pharma company na nanloko. Baka ikulong pa siya.
“Tama ka Mulong. Dapat ay sa uloy nuts tayo mag-concentrate.’’
“Bukas, ay magpapaÂhanap na ako ng mga suwi ng uloy na maaari nating itanim.’’
“Sige Mulong.â€
MAKALIPAS ang isang linggo, nabasa ni Dick ang advertisement sa gamot na naimbento umano ni Rey --- ang PENISITIK. Nakasaad ang husay ng gamot. Talagang epektibo at wala pang side effect. Mabibili ang PENISITIK sa mga leading drugstore.
Naghanap si Dick ng PENISITIK sa isang boÂtika. Nakakita siya. Tinanong niya kung may PENISITIK. Meron daw. Pero bottle daw ito. Thirty pieces ang laman. Ang presyo, P1,000 per bottle.
Bumili si Dick. NaiÂintriga siya sa PENISITIK.
Pagdating sa bahay ay sinuri niya ang PENIÂSITIK. Kulay puti ang tabÂleta. Sugar coated ito.
(Itutuloy)