ANG Igbo-Ora, isang farming community sa southwest Nigeria, ay tinatawag na “The Land of Twinsâ€. Halos lahat nang pamilya rito ay may kambal na anak. Ayon sa leader ng community na si Olayide Akinyemi, 71, at may 12 anak, bihirang makakita nang hindi kambal sa kanilang lugar. At pinagmamalaki nila ito. Katunayan daw, maraming turista ang nagtutungo para makita ang mga kambal sa komunidad. Ayon sa report, ang lugar na ito ay may 90-100 kambal sa 1,000 live births.
Ang pagkakaroon ng kambal ay dahil umano sa mataas na kunsumo ng mga tao sa isang uri ng kamote na may taglay na natural phytoestrogen. Nagagawa raw ng kamote na mag-stimulate ang ovaries at nagre-release ng egg cell sa bawat side.
Staple crop ang kamote sa mga taga-Igbo. Iba’t ibang luto ang maaaring gawin sa kamote. Maaari itong ihawin, iprito, ilaga, i-baked, i-smoked. Maaari rin itong gadgarin at gawing panghimagas.
Dahil sa nagagawa ng kamote sa kanilang komunidad, nagkakaroon sila ng “kamote festival†na tinatawag nilang Iri-ji or Iwa-Ji. (www.oddee.com)