^

Punto Mo

Jeepney driver vs.anak ng kongresista

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

Sa biglang tingin, masasabing aping-api ang isang matandang jeepney driver na sinuntok ng isang abogado na anak naman ng isang kongresista dahil sa away trapiko.

Ang tinutukoy ko ay ang panununtok ni Atty. King George Leandro Antonio Collantes, anak ni Batangas congressman Sonny Collantes sa jeepney driver na si Orlando Garcia, 66. 

Mali ang panununtok ni Collantes kay Garcia dahil wala itong karapatan na manakit ng kapwa. Pero ayaw ko naman agad kampihan ang jeepney driver. Ako mismo ay maraming karanasan sa mga jeepney driver na super pasaway sa kalsada. Makabubuting tingnan din kung bakit na-provoke si Collantes para suntukin ang drayber.

Tingnan din ang leksiyon sa nasabing insidente na sana magbigay-daan upang magbago na ang ilang mga pasaway na drayber ng jeepney, bus at taxi. Marami sa kanila ang lumalabag sa batas trapiko.

Sa mga pribadong motorista,  kailangang magbaon nang mahabang pasensiya. Huwag na huwag mananakit sa halip ay pormal na isumbong sa mga otoridad.

Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga drayber ng pam­publikong sasakyan, panahon na upang maghigpit ang traffic enforcers at hulihin ang mga drayber na pasaway. Higpitan din ang traffic enforcers na mangongotong at manggigipit sa mga drayber.

vuukle comment

BATANGAS

COLLANTES

DAHIL

GARCIA

HIGPITAN

KING GEORGE LEANDRO ANTONIO COLLANTES

ORLANDO GARCIA

SONNY COLLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with