^

Punto Mo

Kulang sa aksyon!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noong nakaraang Lunes sinimulan na natin ang panawagan sa LTFRB at LTO na tututukan ang mga paglipana na naman ng mga abusadong taxi drivers.

Ngayon kasing nalalapit na naman ang holiday seasons talagang aariba ang ganitong mga taxi drivers dahil nga sa magiging in demand na naman sila sa maraming pasahero, partikular sa mga shoppers.

Aba’y muli tayong nakatanggap ng mga sumbong, na sana raw ay matututukan ng mga kinauukulan ang mga terminal ng taxi.

May sumbong na  pag-upo mo pa lamang, bukod sa 40 piso na flagdown rate  sa taxi, uunahan na agad ng driver nang dagdag pang presyo.

Marami ang katwiran ng mga ito , pati yata panlagay nila sa kung kani-kanino sa pasahero gustong bawiin.

Pananamantala talaga.

Naku siguradong lalu na pagpasok ng Disyembre, kung hindi ito matututukan ng mga awtoridad iba-ibang modus ang gagawin ng mga pasaway na drivers.

Hindi naman natin  nilalahat, pero talagang majority yata eh talagang ganito. 

Kahit na nga nagbabala na ang LTFRB at LTO sa mga namimili ng pasahero, wala sa kanila yon, basta’t ayaw ng pasahero sa dikta nila, marami na ang idadahilan ang mga ito.

Malalakas ang loob, kasi nga isa pang problema sa mga  nabanggit na ahensya ng gobyerno, walang nasasampolan.

Puro tanggap na lang yata ng sumbong ang nangyayari, pero walang aksyon, walang napaparusahan.

Kaya yung mga com­muters, ayon nang ayon sa dikta ng mga pasaway, kaya namimihasa.

Kulang pa rin  sa ngipin ang mga kinauukulan na supilin ang mga pasaway at abusadong taxi drivers kaya nga yata hindi ito kumokonti kundi patuloy sa pagdami.

vuukle comment

DISYEMBRE

KAHIT

KAYA

MALALAKAS

MARAMI

NAKU

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with