Bagong modus
NABIKTIMA ng bagong modus ang kaibigan kong laÂlaki. Ang aking kaibigan, isang graduating law student ay dinakip, ikinulong at binugbog sa isang apartel at nina kawan.
Kuwento niya, madaling araw noong Oktubre 20 pauwi siya mula sa isang birthday party nang lapitan ng isang lalaking nagpanggap na estudyante ng branch ng eskwelahan niya sa Batangas. Nagpapatulong ang lalaki kung saan ang daan patungo sa kanyang kapatid sa Cubao. Hindi umano nito makuha ang direksiyon kaya nagtanong kung maaari bang ihatid na lamang ng taxi pauwing Cubao at siya ang magbabayad. Pumayag ang kaibigan ko dahil on the way naman ang Cubao pauwi ng Taft kung saan siya rin pauwi na. Dahil ramdam naman niyang kailangan ng tulong ang lalaki kaya tinulungan niya ito.
Pagdating sa Cubao at pagbaba ng lalaki, pauwi na sana siya sa Maynila ng tanggihan siya ng tsuper ng taxi na ihatid doon dahil daw malayo at late na kaya napilitang bumaba ng taxi ang kaibigan ko. Pagbaba niya ay nakipagkuwentuhan pa at nagpasalamat ang kapatid umano ng lalaking inihatid niya. Nagyaya itong uminom isang bote ng beer lang bilang pasasalamat. Dahil nahihiyang tumanggi, pumayag na rin ang kaibigan ko. Tumungo sila sa kuwartong nirerentahan sa apartel. Pagpasok niya ay napakalakas daw ng volume ng TV. Kuwentuhan pa rin lumabas ang kapatid at pagbalik ay may kasamang dalawang malalaking lalaki. Sabi ng isa: Anong ginagawa n’yo? May ginagawa kayo no? Pinalalabas na may ginagawang sekswal ang kaibigan ko at lalaki. Binugbog at ninanakawan ang aking kaibigan. Itinali siya ng kumot at packing tape sa kama. Ibinibigay na niya ang lahat ng gamit at pera niya huwag lang ang kanyang laptop dahil naroon ang kanyang thesis. Sinimot nila lahat: Relo, credit cards ATM, cell phone at laptop. Hiningi ang kanyang PIN sa ATM at winithdraw ang P10,000. Matapos ma-withdraw ang pera, binantaan siyang huwag sisigaw.
Nagkamali ng biniktima ang mga masasamang loob na ito dahil una, isa siyang law student na alam ang batas pati ang kanyang karapatan at ikalawa, siya ay mula sa pamilya ng mga may kapit sa batas. Nalinis na ang apartel nang balikan ng aking kaibigan ilang oras matapos ang krimen kaya wala nang bakas. Pero dahil desididong humanap ng ebidensiya pati basura ay kinalkal upang makuha ang packing tape at gloves para sa thumbprint marks.
Mag-ingat sa gimik na ito lalo na at magpapasko. Iba na mga magnanakaw ngayon. oras matapos ang krimen kaya wala nang bakas. Pero dahil desididong humanap ng ebidensiya pati basura ay kinalkal upang makuha ang packing tape at gloves para sa thumbprint marks.
Mag-ingat sa gimik na ito lalo na at magpapasko. Iba na mga magnanakaw ngayon.
- Latest