‘No take policy’ ni Roxas, malamya
MUKHANG lumalamya na ang “no take policy†ni Interior Sec. Mar Roxas sa mga opisyales ng PNP para sa illegal gambling. Habang abala kasi itong Sec. Roxas sa pag-atupag ng pinsala sa pag-atake ng MNLF sa Zamboanga City, sa baha sa Central Luzon at sa lindol sa Cebu at Bohol, aba dahan-dahan namang bumabalik ang tong collection activities ng PNP commands at units. Kaya lang, patago na ang kuha ng lingguhang intelihensiya para hindi makarating ke Sec. Roxas, di ba Col’s. Ariza at Elenzano Sirs? Hindi rin nakatiis at sumawsaw din sa illegal gambling itong mga leon at tigre ng CIDG sa illegal gambling. Ano sa tingin n’yo mga kosa? At t’yak alam din ni Insp. Arnold Sandoval, ang point man sa ngayon ng RPIOU ng NCRPO ang pagbabalik ng tong collection activities ng kapulisan, di ba mga kosa? Habang kumikilos itong si Sandoval, mababaon sa kangkungan ang “anghel†na imahe ni RPIOU chief Supt. Harry Domingo. Mismo!
Kung sabagay, malapit na ang Kapaskuhan kaya siguro kumambiyo na rin itong si Sec. Roxas dahil alam n’ya malaking kawalan ng boto itong ginagawa niyang paghihigpit sa illegal gambling come 2016 presidential elections. Subalit puwedeng gamitin ni Sec. Roxas itong ‘no take†policy niya sa illegal gambling sa mga kalaban ng partido n’yang Liberal Party, di ba mga kosa? Mismo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Kaya ko naman nasabing lumalamya ang “no take’ policy ni Sec. Roxas mga kosa ay dahil full blast na halos ang pasugalan sa Calabarzon area. Sa pag-upo ni Calabarzon director Chief. Supt. Jess Gatchalian, nagsarahan ang illegal gambling bunga sa warning n’ya na ire-relieve ang mga police officials na hindi tumalima sa kanyang kautusan. Subalit nitong nagdaang mga araw, bukas na bukas na ang pasugalan sa Calabarzon area, lalo na sa Batangas at Cavite, at mukhang si Gatchalian na lang ang hindi nakakaalam. Teka nga pala. Ano na ang balita na kay Dodjie Lizarda, ang godfather ng illegal gambling sa Calabarzon? Kumusta kaya ang pinapagawa n’yang bahay sa San Pedro, Laguna? Hehehe! Nakaka-miss din itong si Lizarda, ha mga kosa?
Para sa kaalaman ni Gen. Gatchalian, bukas na ang color games at iba pang sugal sa pergalan ni Baby Panganiban sa Tanauan; alyas Tessie sa Ibaan; alyas Yolly sa Malvar at Rudy sa Nasugbo. Si Panganiban ang presidente ng asosasyon ng mga peryahan sa Batangas at ang kolektor ng provincial director ay ang pulis na si Jhong Valero. O hayan, alam mo na kung sino ang hahabulin mo Gen. Gatchalian Sir. Baka malambot ang puso mo sa Batangas Gen. Gatchalian Sir dahil dati kang provincial director dun?
Sa Laguna naman, ang peryahan ni alyas Tessie ay parang sabungan sa sobrang dami ng tao sa San Pablo City cemetery; ang bookies ng STL sa San Pedro ay kay Toce; sa Biñan ay konsehal Edu Reyes na bata ni Mayora Alonte; sa Sta. Rosa ang bangka ay sina Osel, Tita, Benilda at Jun; sa Cabuyao ay kay Tita din; sa Calamba ay kay Dante Alvarez at Lawrence Masongsong na ang kapatid ay isang police major; Tita pa din at mga pulis na alyas Nato at Dave Abcede sa Los Baños; Edwin Ramos sa Victoria; Osel, Tita, at Calauan sa Sta. Cruz, at ke Umbay sa Pagsanjan. Ang lahat ng gambling lords ay nagbibigay ng lingguhang intelihensiya ke Rambo at ke Edwin Olazo, alyas Toce naman ang para sa national. Ang national mga kosa ay ibig sabihin ay ang DILG, CIDG Camp Crame, IG, NBI, GAB, at CIDG Calabarzon, CIDG provincial officer at higit sa lahat sa opisina ni Gatchalian. Me karugtong!
- Latest