Bago ihalo ang hilaw na sibuyas sa salad o sandwich, hugasan muna ito ng tubig upang matanggal ang pait. Matapos hiwain ay ilagay ang sibuyas sa strainer at itapat sa gripo upang mahugasan ng ilang segundo.
Kapag gagawa ng ham or bacon sandwich, bukod sa mayonnaise, lagyan ito ng isang buong slice na canned pineapple.
Kapag nagsasawa na sa catsup, toyo na pinigaan ng calamansi ang ibudbod sa fried egg.
Kung naubusan ka ng mga sumusunod na sangkap, narito ang mga ingredients na maaari mong ihalili:
• Ang isang butil na sibuyas ay katumbas ng one-eight kutsaritang garlic powder
• 1 Kutsarang cornstarch = 2 Kutsarang harina
• 1 cup buttermilk = 1 cup evap milk (room temperature) + 1 Kutsarang suka
5. Ang katumbas ng 1 cup na hilaw na bigas (long grains) ay nagiging 3 cups kapag naisaing na.
6. Ang 1 cup dry macaroni ay nagiging 2 at kalahating cups kapag naluto na.
7. Ang 8 ounce package spaghetti ay nagiging 4 cups matapos pakuluan.
8. Ang lemon juice ay mas sasarap kung hahaluan ng isang kurot na asin bawat isang baso.
9. Ang calamansi juice ay mas sasarap kung hahaluan ng pineapple juice at hiniwang maliliit na mansanas.
10. Obsolete na ang cooking tip na dapat ay hahaluan ng cooking oil ang nilulutong spaghetti noodles. No need to add cooking oil dahil ang tendency ng spaghetti sauce ay hindi humalong mabuti sa noodles dahil madulas.