Tips for all Seasons
Ang ating balat ay patuloy na nagtatrabaho kahit tayo natutulog kaya kung anuman ang nakakulapol sa ating mukha, ito ay hinihigop ng balat. Ito ang dahilan kung bakit kailangang maglinis ng mukha bago matulog. Ito rin ang dahilan kung bakit pagkatapos linisin ang mukha ay mainam na magpahid ng moisturizer kahit matutulog ka na.
Nakaka-straight ng buhok: Iisprey sa buhok na mamasa-masa pa ang pinaghalong one cup water at 2 kutsarang brown sugar. Suklayin ang buhok. Patuyuin nang natural sa hangin.
Ang regular na pagtakbo ay nakapagpapabuti ng sexual performance.
Ang pagkain ng salmon ay nakapagpapabilis ng pagtubo ng buhok.
Kapag magi-isprey ng cologne, hanggang tatlong pindot lang ang gawin dahil kung sosobra pa, nakakasulasok na ang dating nito sa pang-amoy ng ibang tao.
Kung iinom ng isang basong tubig bago matulog, maiiwasan ang mapait na panlasa paggising sa umaga.
Kapag mag-o-order ng fries sa drive-thru, ang hingin ay walang asin para makaseguro na bagong luto ang ibibigay sa inyo. Humingi na lang ng asin na nasa packet.
Kapag nasa restaurant, maghugas ng kamay pagkatapos mag-order at humawak ng menu book. Ang menu book ang isa sa pinakamaruming bagay na direktang hinahawakan natin.
Isang gabi mong ikumot sa iyong katawan ang blanket ng iyong baby bago mo ipagamit sa kanya. Didikit dito ang iyong amoy na kapag naamoy niya, ito ay makapagpapaginhawa sa kanya.
- Latest