‘Pinagaling ako ng multo!’

NAGKAROON nang matinding infection si Diane Berthelot ng Norfolk, England, makaraang operahan sa gall bladder. Nakaramdam siya nang panghihina dahil doon at tila pakiramdam niya ay wala nang pag-asa pang gumaling.

Lumipas ang mga buwan at walang pagbabago sa kalagayan ni Diane. Lalo pa siyang nanghihina at walang ganang kumain.

Isang araw, nakiusap siya sa kanyang mister na si Peter na dalhin siya sa simbahan na nasa loob ng kanilang village.

Nasa loob na ng simbahan si Diane, nagdasal siya. Ang kanyang asawang si Peter ay namasyal naman sa paligid ng simbahan at kumuha ng pictures. Kinunan din ni Peter si Diane­ habang ito ay naka­luhod.

Habang nagdadasal si Diane na pagalingin siya sa karamdaman, naramdaman niya na may “mainit” na humaplos sa kanyang katawan. Banayad na banayad umano ang pagdampi at paghaplos sa kanya. Masarap umano sa pakiramdam.

Hindi umano pinansin ni Diane ang pangyayaring iyon. Pero nang tingnan nila ang mga picture na kuha ni Peter, nakita roon ang isang white lady na nasa likod ni Diane habang ito ay nakaluhod at nagdarasal. Naka-bonnet umano ang white lady.
Ang kagila-gilalas, gumaling ang infection ni Diane makaraan ang pangyayaring iyon.

Ayon sa vicar ng simbahan, mayroon daw umanong white Lady sa simbahang iyon na tumutulong sa mga maysakit. Nagsimula raw ang mga pangyayari noon pang 1830.

 

 

Show comments