^

Punto Mo

Lampong (452)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“U LITIN natin, Jinky, puwede?” sabi ni Dick na nakikiusap sa asawa­. Ang ritwal ang ibig sabihin ni Dick. Katulad nang ginawa nila kanina. Gusto ni Dick na testingin muli ang husay ng Inasa­litik sa kanyang pagkakalalaki.

“Oo naman, Dick. Ngayon pa ba na solb na ang problema mo este natin­ pala. Sige ulitin natin. Gusto­ mo, wala nang labasan sa kuwarto, he-he!’’

“Kung yun ang gusto mo Jinky, masusunod. Dyinggel­ lang ang pahinga, he-he!”

Ginawa nina Dick at Jinky ang ritwal. Kapwa sabik. Hindi nila inaksaya ang panahon. Talagang nagmahalan sila nang todo. Walang preno-preno. Ipina­lasap ni Dick ang sarap ng pagmamahal. Bumawi siya.

Isa pa, gusto na ni Dick na magkaanak sila ni Jinky. Kailangang apurahin na niya sapagkat nagkakaedad na rin silang dalawa. Sisiguruhin ni Dick na magkakaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

Nang matapos ang ritwal ay walang kapantay na kaligayahan ang nadama nina Dick at Jinky. Nakatulog silang pareho na matatamis ang mga ngiti sa labi.

 

KINABUKASAN, hindi na nakatiis si Dick na hindi ikuwento kay Mulong ang nangyari sa kanyang pagbabago. Kahit pa sinabi ni Pareng Rey na huwag munang ikuwento ay hindi na siya nakapagpigil. Sinabi niyang solb na ang problema.

“Anong ginawa mo, Ninong Dick at na-solb ang problema?”

“Itik lang Mulong. Ang masarap na karne ng itik ang nagbigay ng sigla kay batutoy. Tinesting ko na at talagang walang katinag-tinag. Matikas na matikas, Mulong, ha-ha-ha!”

“Mabuti naman at solb na ang problema. Masaya rin ako dahil maligaya ka na Ninong.”

“Salamat Mulong. Ang gusto ko lang matuklasan ngayon ay kung anong part ng itik ang nagbigay sigla kay batutoy.”

“Tulungan kitang saliksikin, Ninong…”

(Itutuloy)

 

ANONG

BUMAWI

DICK

JINKY

MULONG

NINONG

NINONG DICK

PARENG REY

SALAMAT MULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with