^

Punto Mo

EDITORYAL - Linisin n’yo, basura n’yo!

Pang-masa

TAMBAK ang basurang iniwan ng katatapos na barangay election kahapon. Problema kung paano hahakutin ang mga basura na kinabibi­langan ng mga tarpaulin at mga telang streamer. Sino rin ang magtatanggal ng mga nakakabit sa poste at nakakabit sa punongkahoy? Malamang, ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang maghahakot at magtatanggal ng mga campaign materials. Wala nang ibang ahensiya ng gobyerno na aatasan sa paglilinis ng basura ng kandidato kundi ang MMDA. Sila ang magdurusa sa walang disiplinang pagkakabit at pagsasabit ng campaign posters at streamers.

Wala naman kasing ngipin ang Commission on Elections (Comelec) sa mga lumalabag na kandidato. Wala silang lakas para disiplinahin sa tamang pagla­lagay ng campaign materials ang mga kandidato. Dahil sa kawalan ng disiplina, kung saan-saan na lang ipinaglalagay o ipinagkakabit ang mga tar­paulin at streamers. Mayroong lumampas pa sa tamang sukat. Walang magawa ang Comelec kundi ang magbanta. Noong May 13, 2013 elections, nagbanta rin ang Comelec sa mga kandidato pero wala ring nangyari sa banta.

Mas maganda siguro kung ipatutupad ng Comelec­ sa mga kandidato na ang kanilang mga basura ay dapat nilang hakutin. Kanya-kanyang basura, kanya-kanya ring hakot. Kapag hindi hinakot ng kandidato ang kanyang basura, huwag siyang pa­upuin kung nanalo.

Makipag-ugnayan ang Comelec sa MMDA at DENR kaugnay sa mga basura ng kandidato. Mahalaga­ ito sapagkat ang mga basura ng kandidato (lalo ang tarpaulin) ay maaaring maging dahilan ng pagbaha sa Metro Manila. Magbabara sa drainage o imburnal ang mga makakapal at hindi nabubulok na tarpaulin.

 

BASURA

COMELEC

DAHIL

KANDIDATO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG MAY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with