SI Socrates ay isang Greek philosopher na nabuhay noong 469 BC hanggang 399 BC. Mataas ang pagpapahalaga niya sa reputasyon ng kanyang kapwa tao kaya’t kinasusuklaman niya ang salitang tsismis.
Isang araw ay nakasalubong niya ang isang kakilala. “Narinig mo na ba ang kumakalat na balita tungkol sa ating kaibigang si Aristophanes ?†ang pambungad na bati ng kakilala kay Socrates.
Napangiti si Socrates at nagsalita. “Bago mo ibalita ang tungkol kay Aristophanes, nakakaseguro ka bang 100 % itong totoo?â€
“Hindi, ikinuwento lang sa akin.â€
Tumango-tango si Socrates. “Ang balita ba ay tungkol sa kabutihan ni Aristophanes ? â€
“Hindi, on the contrary, ang balita ay makakasama sa kanyang pagkatao.â€
“Kung ganoon…bakit mo pa ipapasa sa akin ang kuwentong hindi naman pala kapakipakinabang?â€
Ayon kay Socrates, ang balitang ipapasa mo sa ibang tao ay dapat na nakapasa sa Triple Filter Test. Unang filter test, dapat ay 100 % itong totoo. Pangalawang filter test, ang balita ay hindi dapat makakasira sa reputasyon ng tao. At ikatlong filter test, ang balita ay dapat na kapakipakinabang sa lahat. Kung hindi makakapasa sa Triple Filter Test ang ibabalita mo sa ibang tao, manahimik ka na lang, dahil ang magiging tawag dito ay tsismis at ang magiging tawag sa iyo ay tsismoso.