Lampong (449)

“H UWAG mo lang munang ipagsa­sabi kahit kanino ang pi­nag-usapan natin, Pareng Dick. Maski kay Jinky e ilihim mo muna. Basta tayo lang dalawa ang naka­­aalam nito,” pakiusap ni Pareng Rey.

“Oo, Pareng Rey. Tayong dalawa lang ang makaaalam nito,’’ sabi ni Dick.

“Kapag nagtagumpay na tayo, saka na lang natin ipagsigawan sa marami. At natitiyak ko, marami ang makikinabang kapag nakumpirma natin ang husay ng karneng itik. Maaaring kilalanin tayo sa larangan ng siyensiya,” sabi ni Pareng Rey.

“Ikaw ang kikilala­lanin Pare ko’y dahil ikaw ang scientist. Ikaw ang nakatuklas.”

“Kasama ka, Pareng Dick dahil mga alaga mo ang sangkot dito. Kung hindi dahil sa mga itik mo, hindi matutuklasan ang gamot sa lungayngay na batutoy.’’

“Sige e di dalawa na tayo. Pero hindi kaya may magtangka sa ating buhay kapag sikat na tayo?”

“Bakit naman?”

“Kasi kapag sikat na tayo, yayaman tayo di ba? Baka pagnakawan tayo.”

Nagtawa si Pareng Rey. “Oo nga ano? Pero huwag muna nating intindihin yun. Ang pagtuunan natin ay kung paano matutuklasan ang part o bahagi ng itik na nagbibigay ng sigla. Kapag natuklasan natin, iyon na ang simula ng tagumpay.’’

“Aprub Pare ko’y,” sabi ni Dick at niyaya na si Pareng Rey. “Halika at magselebreyt na tayo. Uminom tayo at mamulutan ng Inasal na Itik. Kakain ako nang marami sa pagkakataong ito at tingnan ko kung uubra na ako. Kapag umubra, ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo.’’

“Sige subukan mo Pareng Dick. Sigurado ako, may mararamdaman kang kakaiba.’’

Nagpaluto pa nang maraming dumalagang itik si Dick. Napakabango ng mga inasal na itik.

Bumaha rin ang beer. Pati si Mulong ay nakisali sa pag-iinuman. Pero kahit lasing na si Dick, hindi niya kinalilimutan ang sinabi ni Pareng Rey na huwag munang ipagsa­sabi ang tungkol sa bene­fit ng Itik sa “pagkala­laking lumulungayngay”.

(Itutuloy)

Show comments