KAPAG sobra-sobra na sa pang-amoy ang isang pagkaing niluluto araw-araw, hindi pala ito ikinatutuwa nang marami. Magsasawa ka sa araw-araw ay iyon ang naaamoy. Nakaiirita at gagawa nang paraan para maipasara ang pinanggagalingan ng amoy.
Ganyan ang nangyari sa isang restaurant sa Haight-Ashbury district, sa San Francisco, USA na ipinasara noong nakaraang Mayo dahil sa reklamo ng mga kalapit bahay. Hindi na raw nila matatagalan ang amoy ng bacon. Hindi na raw nila kaya.
Walang nagawa ang may-ari ng Bacon-Bacon kundi isara ang restaurant.
Ayon sa may-ari, 300 pounds ng bacon ang niluluto nila araw-araw. Ang amoy nang napakaraming bacon ang nalalanghap ng mga tao sa kalapit bahay. Nasusuka na raw sila sa araw-araw na amoy bacon.
Pero sabi ng may-ari na si Jim Angelus, magbubukas din ang kanyang restaurant kapag inapruÂbahan na ng city officials ang kanyang apela. Malaki ang paniniwala niyang papayagan siyang makapag-operate muli ang Bacon-Bacon.