KONTING ulan, tubig-baha na sa maraming lansangan sa Maynila at mga karatig na pook. Suko na ba tayo sa paglutas nito? Wala na bang magagawa?
Nito lamang nakaraang buwan ng Agosto ng tamaang muli ang Metro Manila at mga kalapit na probinsya ng isang bagyong tinawag na ‘Maring’. Sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na dala ng hanging ‘habagat’ ito ay nagdulot ng mga pagbaha sa iba’t ibang lugar na umabot ng ilang araw bago tuluyang humupa. Bilang pakikiisa, pinangunahan ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ‘disaster relief operations’ at pagbibigay ng donasyon. Nagbahagi ang ahensya ng mga ‘relief goods’ at mga gamot na nagkakahalaga ng 1.12 milyong piso sa mga naapektuhang mga residente ng Metro Manila at sa kalat-kalat na lalawigan tulad ng Benguet at Batanes noong ika-6 hanggang 11 ng Septyembre 2013. Mula sa P1.12 milyong donasyon, ang mahigit na P900,000 ay ginamit upang ibili ng mga relief goods tulad ng bigas, kape, delata, bottled water at mga noodles. Ito ay ipinamahagi sa mga biktima ng bagyo sa Malabon, Sta. Mesa, Pandacan, Parañaque, Olongapo at Batanes.
Samantalang naglaan naman ang PAGCOR ng humigit-kumulang na P222,000 para sa gamot para sa lokal ng Benguet, Taguig, Pateros, Iloilo, Bulacan, Olongapo at Batanes. Isa sa mga nabigyan ng tulong ng ahensya ay ang 6th District ng Manila at ayon sa District Representative na si Lourdes Del Rosario, ang PAGCOR ay laging sumusuporta sa kapakanan at ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan. “Malaki ang pasasalamat namin sa PAGCOR at naging kaakibat namin ito sa pamamahagi ng relief good sa aming mga constituents. Ever since partner na talaga namin ang PAGCOR. Hindi nito pinabayaan ang District 6 ng Manila,†ayon kay Del Rosario. Ibinahagi pa ni Del Rosario na sinimulan na rin nilang turuan ang kanilang mga nasasakupan tungkol sa ‘global warming’ at kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.
“Umaasa kami na matuturuan namin ang mga tao sa kadahilanang sunud-sunod ang mabibigat na pagbaha. Gusto rin namin ipabatid sa kanila kung paano ito maiiwasan sa isang maliit na paraan tulad na lamang ng tamang pagtatapon ng basura,†dagdag pa niya.
Bukod sa Metro Manila nagpaabot din ng tulong ang PAGCOR sa mga nasalantang residente sa Tuba, Benguet, isa sa lubhang tinamaan ng bagyong Maring. Tanging pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang ikinabubuhay ng mga mamamayan dito sa Tuba kaya ang ibinigay ng PAGCOR na mga gamot ay malaking tulong para sa kanila, ayon kay Lilia Abelia na isang opisyal ng Political Affairs ng Lone District ng Benguet. Dagdag pa niya, “ang aming mga kababayan dito ay mga simpleng tao lamang. Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga natanggap naming mga gamot at multi-vitamins mula sa PAGCOR.â€
Isa pa sa lalawigang maÂtinding tinamaan ng bagyo ay ang Batanes na nakatanggap rin ng mga relief goods at mga gamot mula sa ahensya. Ang mga donasyon ay ipinamigay mula sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Atty. Ruel Montesa ang Chief ng DSWD’s Warehouse Management and Donation Facilitation Division na ang probinsya ng Batanes ay lubhang nasalanta ng bagyo pero ito ay lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa nahirapang pasukin ng media ang probinsyang ito. “Sa ngayon, ang Batanes ay wala pa ring suplay ng kuryente, walang signal ang mga cellphone at walang tubig. Ang DSWD ang unang ahensyang tumulong sa probinsya,†wika ni Atty. Montesa. Wika pa ni Atty. Montesa, “ang PAGCOR ay lagi naminÂg katuwang sa mga relief operaÂtions. Lagi silang handa sa bawat disaster operation. Ang PAGCOR ay nandyan parati at parating maasahan… bukas sa lahat ng oras at handang mag-respond. Ako ay nagpapasalamat at nandyan parati ang PAGCOR.†Sa bawat pagsubok ng panahon sa ating bansa, lagi nating katuwang at kaagapay ang PAGCOR. Liblib mang mga lugar, kayang-kaya itong abutin basta sa nangangailaÂngan at para sa kapwa, lahat ay kayang gawin. (KINALAP NI CARLA CALWIT)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213784392 /09213263166 / 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.