^

Punto Mo

Lampong (448)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

H INDI makapaniwala si Dick sa mga pinagtapat ni Pareng Rey. Magkatulad din pala ang problema nila ukol kay Batutoy. Naka­lungayngay din pala ang batutoy ni Rey.

“Baka mas malala pa ang problema ko sa’yo Pareng Dick, pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na makakatuklas ako ng solusyon sa problema. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako titigil hangga’t walang nakikitang remedyo.

“Lahat ay sinubukan ko. Kaya nang ikuwento mo ang tungkol sa green capsules ay naunawaan kita. Kasi ang mga lalaking lungayngay ang batutoy ay gagawin at susubukan ang lahat para maibalik ang dating sigla. Kahit nga dugo ng paniki, binalak ko ring subukang inumin dahil sa pagka-desperado pero mayroon akong nabasa na delikado ang dugo ng paniki dahil maaaring magkaroon ng AIDS ang sinumang makainom ng dugo nito. Kasi ang mga paniki pala ay kung anu-anong hayop din ang sinisipsipan ng dugo. Puwedeng nakasipsip sila sa infected na hayop na carrier ng HIV. Natakot akong bigla. Mula noon hindi na ako nag-isip na gumawa ng anuman. Sabi ko sa sarili ko, mayroong darating na lunas sa akin….’’

Napatangu-tango si Dick. Parehas pala ni Rey na gustong sumubok ng kung anu-anong paraan. Siya naman ay dugo ng cobra ang balak inumin at napigilan lang ni Jinky. Kung hindi, baka patay na siya.

“Pareko’y ituloy mo ang kuwento kung paano natuk­lasan ang husay ng karneng itik para bumuhay nang nakalungayngay. Nasasabik ako sa sasabihin mo…’’

“Mula nga nang makakain ako ng inasal na itik na binigay mo, nagbago ang pakiramdam  ko. Sumigla ako. Sabi ko baka pakiramdam ko lang iyon. Pero nang mga sumunod na araw, talagang epek­tib. Nakasaludo si Batutoy. Poging-pogi. At pinag-aralan ko kung ano ang mga nakain ko na nagpasigla sa akin. At iyon nga, pinakamarami ang nakunsumo kong karne ng itik. At napatunayan ko rin na matagal ang bisa sa katawan ng karneng itik. Walang sinabi ang mga gamot na binibili na tumatagal lang ng ilang oras.’’

“Pare ko’y ano kayang part ng itik ang nakapagpasigla?”

“Iyan ang aking tinutuklas, Pareng Dick. Kaya nga gusto ko, bibili ako ng mga itik sa’yo at pag-aaralan ko. Iisa-isahin ko ang himaymay ng laman para matuklasan ang lihim. At kapag natuklasan ko, tiyak ang pagsikat natin at pagyaman.’’

Napangiti si Dick. Baka nga yumaman sila nang todo kapag nagtagumpay si Pareng Rey.

“Kaya ngayon pa lang kumain ka nang todo, Pareng Dick.”

“Oo, gagawin ko. Kasi’y aaminin ko, hindi ako ga­anong mahilig kumain ng itik. Madali akong magsawa.”

(Itutuloy)

AKO

BATUTOY

ITIK

KASI

KAYA

PARENG DICK

PARENG REY

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with