^

Punto Mo

Lampong (447)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ALAM mo Pareng Dick, may mahalaga akong sasabihin sa’yo kaya ako narito. Bukod sa gusto kong matikman ang masarap na karne ng itik mo, mayroon pa akong sasabihin na ma­aaring ikagulat mo,” sabi ni Rey.

“Pare ko’y masyado mo akong sinuspense. Mukhang napakahalaga nga niyang sasabihin mo.’’

“Talagang mahalaga Pareng Dick. Kasi, kasama ka rito.”

“Ako? Kasama? Aba, mukhang mahalaga nga ‘yan.’’

“Oo.”

“Mabuti pa doon tayo mag-usap nang masinsinan sa ilalim ng punong uloy. Malamig sa ilalim niyon.’’

“Sige Pareng Dick. Tiyak na magugustuhan mo itong iri-reveal ko.”

Tinungo nila ang mga nakahanay na punong uloy. Sa isa sa mga puno sila tumambay. Bawat puno ng uloy ay pinalagyan ni Dick ng mga upuang yari sa kawayan. Kapag summer­ ay doon sumisilong ang mga tauhan ng itikan.

“Ngayon, Pare ko’y ano ba ang mahalagang sasabihin mo at bakit nasabi mong kasama ako.’’

“Tungkol ito sa paglu­ngayngay ng batutoy, Pareng Dick.’’

“Batutoy? Paano nasali ang batutoy, Pare ko’y?’’

“Lumungayngay din ang batutoy ko, Pareng Dick.”

“Ano? Pati ikaw, lungay­ngay din ang batutoy?”

“Oo. Kaya hindi ka nag-iisa sa mundo. Pero ang ma­gandang balita, unti-unti nang nanunumbalik ang sigla ni batutoy. Lumalaban na si batutoy, he-he-he!”

“Paanong ginawa mo Pare ko’y.”

“Dahil sa pagkain ng itik mo.’’

“Itik?”

“Oo Pareng Dick. Noong pinakain mo ako sa iyong restaurant ng Inasal na Itik, doon nagsimula ang pagbabago. Unti-unti may naramdaman akong kakaiba…’’

Hindi makapaniwala si Dick.

“Tapos nung magdala ka sa bahay ng Inasal na Itik, pinapak ko yun. Alam mo nang mga sumunod na araw, laging nakasaludo si Batutoy. Hindi namamatay!”

(Itutuloy)

ALAM

BATUTOY

DICK

INASAL

ITIK

OO

OO PARENG DICK

PARENG DICK

SIGE PARENG DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with