Lampong (446)

HABANG hinihintay nina Dick at Rey ang mga roasted na itik ay nagkukuwentuhan sila sa beranda ng bahay. Pinagkukuwentuhan nila ang tungkol kay Franc, ang la­laking kumidnap kay Jinky at nagtangkang gumahasa rito.

“Anong balita sa pa­milya ng lalaking iyon Pareng Rey? Sabi ni Jinky, mayroon pa raw kapatid ang Franc na iyon.’’

“Hindi ko alam ang tungkol dun Pareng Dick. Basta ang latest na balita na nasagap ko, nasunog na ang apartment ni Franc sa Miguelin St. Ang sabi, talagang sinunog ng mga tambay dahil marami raw naririnig na kung anu-anong ungol sa bahay. May nagmu­multo raw. Isang mada­ling-araw biglang sumiklab ang sunog sa Miguelin. Nakita ko pa nga ang ma­laking apoy habang­ nasusunog. Mabuti at may bumbero na naka­rating agad kaya hindi na gaanong kumalat ang apoy.’’

“E meron daw ina ang Franc na yun, sabi ni Jinky. Maysakit nga raw ang ina.”

“Hindi ko rin alam ’yun Pare.”

“So talagang wala na pala ang kaso. Kasi nagtataka nga kami kung bakit hindi na inimbitahan si Jinky gayung siya ay biktima ng Franc na yun.’’

“Sabagay, maganda naman at para hindi na kayo na­abala. Siguro’y walang nakapansin kay Jinky. O kung may nakapansin, hindi naman­ alam kung ano ang nangyari. Kaya saradung-sarado na ang kaso.’’

“Pero may kapatid nga ang Franc na iyon. Hindi kaya, madawit uli si Jinky.’’

“Siguro naman ay hindi na.’’

“Sana nga Pareng Rey. Ayaw na namin ni Jinky na magulo pa ang buhay.’’

Maya-maya pa ay duma­ting ang dalawang tauhan ni Dick sa itikan. May dalang malaking basket. Mga Inasal na Itik pala ang laman. Ang bango!

“A eto na ang paborito mo, Pareng Rey. Magsasawa ka sa pagpapak.’’

“Ginutom ako, Pareng Dick.’’

Inutusan ni Dick ang mga tauhan na maglagay ng kanin sa dahon ng saging.

Lalong nagutom si Rey nang ilatag ang roasted Itik at bagong saing na kanin.

“Ang sarap!”

“Sige kain nang kain, Pareng Rey. Teka at magpapakuha ako ng beer.’’

Habang kumakain ay walang tigil ang kuwen­tuhan nila. Maraming sinabi si Dick kay Rey ukol sa pagbagsak ng negosyo at sa muling pagbangon. Natu­­tuwa naman si Rey sa muling­ pag-unlad ng itikan nina Dick at Jinky.

Kinahapunan, ipinasyal ni Dick si Rey sa itikan. Tuwang-tuwa si Rey nang makita ang mga bagong pisang itik. Napakarami.

Hanggang sa mayroong ipagtapat si Rey kay Dick. Hindi makapaniwala si Dick.

(Itutuloy)

Show comments