KUNG ano ang pinahihiwatig ng pangalan ng restaurant na Heart Attack Grill, iyon ang nangyayari sa mga customer na kumakain doon. Ngayong 2013, mayroon na namang namatay sa Heart Attack Grill dahil sa heart attack. Namatay si John Alleman, 52, ang unofficial spokesman ng restaurant.
Ayon sa report, si Alleman ang taga-tawag ng mga customer para kumain sa restaurant. Nasa may entrance ng restaurant si AllemanÂ. Labingwalong buwan na naging taga-tawag ng customers si Alleman. Ayon sa may-ari ng restaurant na si Jon Basso, hindi nila binabayaran si Alleman sa ginagawa nitong pagtawag sa mga customer. Binibigyan lang nila ito ng libreng pagkain na siyempre ay pawang burger. Noon pa ay pinagbawalan na nila si Alleman na kumain nang sobrang burger.
Ayon pa kay Basso, bago pumasok ang customers sa kanilang restaurant na pinaÂaalalahanan na ang pagkain doon ay hindi healthy. Dapat kumain lang doon nang minsan isang buwan.
Ang Heart Attack Grill ay napabilang sa Guinness World Record dahil sa kanilang “most calorific burgerâ€. Mayroon silang Quadruple Bypass Burger, Triple Bypass Burger at Double Bypass Burger.
Noong 2011, na-heart attack ang kanilang spokesman at namatay sa edad na 29. Namatay ito dahil sa sobrang pagkain ng Quadruple Bypass Burger. Noong 2012, isang customer ang namatay habang kumakain ng Triple Bypass Burger, habang ang isang customer ay nag-collapsed habang kumakain ng Double Bypass Burger. (www.oddee.com)