NAKABABAHALA na pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa iba’t ibang krimen. Tumataas ang bilang ng mga batang ginagamit ng mga sindikato bunsod na rin nang maÂtinding kahirapan ng buhay.
Dahil sa kawalan ng pormal na edukasyon, marami ang natututong gumawa ng masama para maisalba ang mga naÂngangalam na sikmura.
Ito ang isang masaklap na katotohanan sa bansa subalit hindi masolusyunan ng pamahalaan!
Noong nakaraang linggo, naging ganap na batas ang isinusulong na juvenile justice system (Republic Act No. 10630). Layunin ng batas na ito na mapababa ang minimum age of criÂminal liability ng mga kabataan na sangkot sa mga ilegal na gawain. Ibig sabihin, may kaukulang kondisyon at prosesong dadaanan ang sinumang mahuhuli ng mga awtoridad alinsunod na rin sa tinatakda nito.
Kung talagang tututukan ito ng gobyerno at seseryosohin ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng Juvenile Justice System, walang dudang bababa ang bilang ng mga kabataang masasangkot sa mga ilegal na gawain. Malaki rin ang posibilidad na maparalisa ang operasyon ng mga sinÂdikatong gumagamit ng mga bata.
Maituturing silang mga criminal-in-the-making at inaasahang magiging mas agresibo kung hindi mahuhulog sa batas!
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Aksyon TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops Ride Along at BITAG, tutukan at huwag kakaligtaang mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.