^

Punto Mo

‘Youth crime’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKABABAHALA na pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa iba’t ibang krimen. Tumataas ang bilang ng mga batang ginagamit ng mga sindikato bunsod na rin nang ma­tinding kahirapan ng buhay.

Dahil sa kawalan ng pormal na edukasyon, marami ang natututong gumawa ng masama para maisalba ang mga na­ngangalam na sikmura.

Ito ang isang masaklap na katotohanan sa bansa subalit hindi masolusyunan ng pamahalaan!

Noong nakaraang linggo, naging ganap na batas ang isinusulong na juvenile justice system­ (Republic Act No. 10630). Layunin ng batas na ito na mapababa ang minimum age of cri­minal liability ng mga kabataan na sangkot sa mga ilegal na gawain. Ibig sabihin, may kaukulang kondisyon at prosesong dadaanan ang sinumang mahuhuli ng mga awtoridad alinsunod na rin sa tinatakda nito.

Kung talagang tututukan ito ng gobyerno at seseryosohin ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng Juvenile Justice System, walang dudang bababa ang bilang ng mga kabataang masasangkot sa mga ilegal na gawain. Malaki rin ang posibilidad na maparalisa ang operasyon ng mga sin­dikatong gumagamit ng mga bata.

Maituturing silang mga criminal-in-the-making at inaasahang magiging mas agresibo kung hindi mahuhulog sa batas!

 

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Aksyon TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops Ride Along at BITAG, tutukan at huwag kakaligtaang mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

 

AKSYON

BITAG LIVE

COPS RIDE ALONG

DAHIL

IBIG

JUVENILE JUSTICE SYSTEM

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with