“KAYO ang ninong at ninang namin ni Tina, Dick,†sabi ni Mulong.
“Walang problema, Mulong.’’
“Aba kailangan ay pagÂhandaan natin ang kasal n’yo, Mulong, Tina,†sabi ni Jinky.
“Oo nga,’’ sagot ni Dick. ‘‘Kailangan ay maraming handa. Kami na ang sasagot sa mga handang pagkain o kaya ay catering services. Malaki ang naitulong n’yo sa amin kaya kailangang maging masaya at memorable ang kasal n’yo.’’
“Salamat po Ninong, Ninang,’’ sabi ni Mulong.
‘‘Basta kung ano ang maitutulong namin ay huwag kayong mag-aatubiling magsabi,†sabi ni Jinky.
“Maraming salamat, Ninang,†sabi ni Tina.
‘‘Siguro mas maganda kung sa bagong tayong hotel sa Socorro idaos ang reception,’’ sabi ni Dick.
“Oo nga. Maganda raw dun. At saka paglabas ng simbahan, malapit lang.’’
“Dun nga po ang balak namin, Ninong, Ninang,†sabi ni Tina.
‘‘Aprub na pala e. Sige tuloy na tuloy na ang kasalan.’’
“E saan naman kayo magÂha-honeymoon?’’ tanong ni Jinky.
“Sa Puerto Galera, Ninang.’’
‘‘A oo, maganda nga roon. Okey dun.’’
SUMAPIT ang kasal nina Mulong at Tina. Maligayang-maligaya ang daÂlawa. Halatang in-love na in-love sa isa’t isa.
“Kailangang makagawa agad kayo ng baby para naman masaya sa ating bahay,’’ sabi ni Dick.
“Oo nga,†sabi ni Jinky.
‘‘Hindi pa namin alam kung kailan kami makagagawa kaya kayo na muna ang mauna.’’
Nagtawanan sila.
NAGTAYO ng bahay sa di kalayuan kina Dick at Jinky sina Mulong at Tina. Nanatiling buo at matibay ang kanilang pagsasamahan. Lalo namang umunlad ang itikan at iba pang negosÂyo nina Dick at Jinky.
Pero wala pa ring lunas sa problema ni Dick. Naghahanap pa rin sila ni Jinky ng paraan.
Isang araw dumating ang kumpare ni Dick na si Rey (kabigan niya na nagtatrabaho sa BFAD). Tuwang-tuwa si Dick sa pagdalaw ni Rey.
(Itutuloy)