BUMAGSAK ang popularidad ni President Noynoy Aquino dahil sa kontrobersiyal na PDAF at DAP. Sa survey ng SWS bumagsak ng 15 points ang satisfaction rating ni P-Noy.
Sa pagkakataong wala nang magagawa pa si P-Noy kundi isakripisyo ang mga opisyal na pumalpak sa kaÂnilang tungkulin. Kung nais ni P-Noy na muling umakyat ang popularidad, sibakin niya o pagbitiwin ang dalawang Cabinet officials na nakaladkad sa PDAF at DAP. Ang mga ito ay sina Budget Secretary Butch Abad at Agriculture Secretary Proseso Alcala. Ang dalawa ang panguna-hing pinagdaluyan ng PDAF at DAP.
Kung mapapatalsik sa puwesto sina Abad at Alcala, huhupa ang kontrobersiya sa PDAF at DAP. Bibilib ang publiko kay Pinoy at muling aangat ang popularidad nito.
Si Abad ang pangunahing sangkot sa DAP na may hawak ng pondo at nag-aapruba ng release nito. Ang DA naman kung saan si Alcala ang secretary ang nagsilbing implemen-ting agency na hinantungan ng PDAF sa pamamagitan ng pekeng NGOs ni Janet Lim Napoles.
Puwede na namang magpahinga sina Abad at Alcala o matapos ang isang taon ay ilagay uli sila sa ibang tungkulin sa gobyerno. Kailangang gawin ito ni P-Noy sa lalong madaling panahon upang mapanatili ang tiwala sa kanya ng taumbayan.
Mabait na kaibigan daw si P-Noy kaya nahihiyang manibak sa puwesto pero dapat na niyang baguhin ang estilo para masagip ang bumabagsak na popularidad.
Matapos ang sibakan, rebyuhin na rin niya ang Cabinet officials at iba pang presidential appointees hinggil sa mga performance sa tungkulin para matiyak na magtatagumpay ang kanyang administrasyon.