^

Punto Mo

Nasa FB sina Filart at Garbo

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI maganda ang feedback ng taga-Pasay sa litratong naka-post sa Facebook kung saan makikita si Sr. Supt. Michel “Mitch” Filart, ang officer-in-charge (OIC) ng pulisya na kasama ang mga alipores ni Mayor Tony Calixto. Kung ang mga kosa ko sa Pasay ang maghusga, hindi “Matuwid na Daan” ang panimula ni Filart kung ang litrato ang gagawing basehan. Sa litrato, napapaligiran si Filart ng mga kaalyado ni Calixto na sina Bebs Calixto, Prince Calixto at Kapitan Borbie. Si Bebs mga kosa ay talunang pulitiko sa Pasay at sa ngayon ay may puwesto na sa Bureau of Customs, si Prince ang nasa-likod ng mga operation ng illegal terminal at vendors samantalang si Kapitan Borbie ay binansagang “Kilabot ng Pasay.” Pero tulad nina President Aquino at Senate President Franklin Drilon na napintasan dahil sa nagkalat na mga litrato nila kasama si Janet Lim Napoles at pamilya, si Filart kaya ay biktima rin? Kung sina P-Noy at Drilon ay nagbigay lang ng photo opportunity sa pamilya ni Napoles, ganundin kaya si Filart sa mga alipores ni Calixto? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi lang si Filart ang naging biktima nina Prince Calixto at Kapitan Borbie kundi maging si NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. Naka-post din sa FB ang litrato nina Kapitan Borbie at Garbo kaya naniniwala ang taga-Pasay sa ipinamalita ng kampo ng una na magkumpare sila. Subalit napag-alaman ko na talagang inabangan ng kampo ni Kapitan Borbie si Garbo sa isang restoran sa Pasay. Nang paalis na si Garbo ay nagpakuha ito ng souvenir photo. At nang mai-post sa FB ang litrato nila ni Garbo, ikinalat naman ng kampo ni Borbie na magkumpare sila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang siste, nang panahong iyon, sina Kapitan Borbie, Prince Calixto at ang anak ni Mayor Calixto na si Mark ang nagpapatakbo ng pasugalan sa Pasay at ang buong akala nila sa pagpakalat ng balita na magkumpare sila ni Garbo ay makaiiwas sila sa mga raid ng NCRPO. Nagkamali sila.

Kung sabagay, tuluyan namang nagsara ang illegal na negosyo nila at marami silang iniwang pagkakautang dahil tinakbuhan nila ang mga tumama sa palaro nila. Mismo!

Ang litrato naman ni Filart ay naka-post sa FB halos ilang araw matapos mabasbasan ang una ng Comelec na maging OIC ng Pasay City police. At tiyak, gagamitin din nina Prince at Kapitan Borbie ang litrato para isulong ang mga hawak nilang illegal. Para hindi niya danasin ang sinapit ni Garbo, dapat arukin ni Filart kung ano talaga ang pakay ng grupo nina Prince at Kapitan Borbie kung bakit ikinalat sa FB ang litrato nila. At hindi maganda ang matutuklasan ni Filart, ayon sa mga kosa ko. Mismo!

Para maliwanagan kayo, itong si Filart ay inimbita ni Bebs para magpakilala na pinaunlakan naman ng una. Subalit sa restoran kung saan sila nag-usap, nandun na pala si Kapitan Borbie na naghihintay at nagkakilala naman sila ni Filart. Bago umalis, matapos uminom ng beer at magpulutan, si Kapitan Borbie at mga kasama ay nagpakuha ng litrato kasama si Filart. Si Filart ay naupo bilang OIC ng Pasay City police kahapon. Magiging busy si Filart sa susunod na mga araw, hindi lang para ayusin ang reporting ng mga tauhan niya ng crime incidents, kundi para arukin ang tunay na dahilan kung bakit naka-post sa FB ang litrato nila nina Prince at Borbie. Abangan!

 

BORBIE

FILART

KAPITAN

KAPITAN BORBIE

KUNG

LITRATO

PASAY

PRINCE CALIXTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with