Lampong (441)
NAKATULUGAN ni Dick ang problema niya. Hindi na niya naramÂdaman ang pagtabi sa kanya ni Jinky. Hindi na rin niya naramdaman ang mga ginawa ni Jinky para matulungan sa dinadalang pro-blema. Ginawa ni Jinky ang lahat habang mahimbing na natutulog si Dick. Pero talagang walang lakas. Walang dumadaloy na dugo sa “bahaging†iyon. Pero malaki ang pag-asa ni Jinky na isang araw, masosolb ang problema ni Dick. Hindi siya magsasawa sa pagtuklas ng mga gamot at pamamaraam para malutas ang problema ng kanyang mahal na si Dick.
Hinalikan niya sa labi ang natutulog na si Dick. Natulog si Jinky na naka-yakap kay Dick. Mahal na mahal niya si Dick at hindi niya ito iiwan kahit ano pa ang mangyari. Makapagtitiis naman siya. Kaya niyang tiisin ang “pagkauhawâ€.
KINABUKASAN, maagang gumising si Dick. Mga alas singko pa lamang ng umaga ay nagtungo na siya sa mga kulungan ng itik. Malayo pa lamang siya ay narinig na niya ang maiingay na itik na naghihintay na sa kanilang pagkain.
Mga dumalaga na ang ilan sa mga itik. Mga ilang linggo pa at maaari na silang magbenta. Muling darating ang mga namamakyaw ng itik. Mga ilang buwan pa at muli ring dadami ang mga itlog. Muling darating ang mga namamakyaw.
Muli ring mabubuhay ang kanyang negosyong INASALITIK na tumigil ang operasyon mula nang maubos ang mga dumalaga. Pero ngayon, tiyak na muling kikita ang negosÂyo sapagkat mas lalong katakam-takam ang mga dumalaga. Mas lalong kagigiliwan ang karne ng itik na malambot, juicy at walang lansa. Mayroon siyang sekreto kung bakit ganoon kalambot at kasarap ang karne ng itik.
At palagay niya, iyon ang gustong malaman ni Mr. Chan. Pero nabigo siya. At sa kabiguan, inubos ang itik.
Ngayon ay muli silang babangon at magtatagumpay. Hindi na magkakamali sa pagkakataong ito. Muli silang uunlad.
(Itutuloy)
- Latest