^

Punto Mo

Pondo na naman ng mahihirap, naholdap!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang masyadong napansin ang insidenteng ito, dahil nga sa abala ang lahat sa naganap na malakas na lindol sa Visayas kung saan marami sa ating mga kababayan ang nasawi.

Alam ba ninyong aabot sa P10-milyong halaga ng pondo sa Pantawid  Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa ma-ralitang komunidad at mga biktima ng kalamidad ang hinoldap ng mga armadong kalalakihan dyan sa Pagbilao, Quezon noong nakalipas na Martes.

Ang siste dito, natangay ang bulto ng pera sa apat na empleyado ng Philpost Regional Office sa San Pablo City.

Ang pera, na nakalagay lamang sa isang sako at isinakay sa isang pribadong Starex van.

Alas- 12 ng tanghali ng maganap ang insidente  sa may Maharalika Highway sa Sitio Polong Guiting sa Brgy. Silangang Malicboy sa Pagbilao, Quezon matapos na kumain sa isang restau-rant daw ang mga tauhan ng  Philpost na si Odith Jaurique Cadano, 53 ;Geraldine Fabila, 44; Patrick James Gesulga Putungan, 32 at Brian Dizon ng mangyari ang insidente.

Napaka-relax naman ng mga ito, aba’y hindi birong halaga ang kanilang dala, na nang kumain sila eh iniwan sa loob ng kanilang sasakyan nang ganun-ganun na lamang.

Ni walang kasamang security at sa pribadong sasakyan nilagay ang ganung halaga.

Ayun, matapos mananghalian at  pabalik na sa kanilang sasakyan nang lapitan ang mga armadong kalalakihan at nagdeklara ng holdap.

Wala ng nagawa ang mga may dala matapos na tutukan ng baril ng mga holdaper. Kinuha ang susi sa driver at saka kinumander ang behikulo na may lamang nasa P10-milyong cash. Inabandona rin naman ang van pera tangay ng mga suspect ang sako ng pera.

O hindi ba, mistulang cartoons ang pangyayari.

Aba parang ganun lang sa kanila ang magbitbit ng ganung kalaking pera na parang  mamamasyal lang sa Luneta.

Dapat sigurong masiyasat itong mabuti, mukhang nangangamoy anomalya na naman dito. Nakakalungkot na pera na naman ng mga mahihirap ang natanggay sa holdap. Tangay na nga sa PDAF at DAP, panibago na namang ‘dap’.

vuukle comment

BRIAN DIZON

GERALDINE FABILA

MAHARALIKA HIGHWAY

ODITH JAURIQUE CADANO

PAGBILAO

PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

PATRICK JAMES GESULGA PUTUNGAN

PHILPOST REGIONAL OFFICE

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with