‘Holdaper spot’

LUNGGA ng mga kawatan ang mga eskinita at overpass. Naglipana sila pagkagat ng dilim. Makikita sila sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa talaan ng mga awtoridad, panghoholdap, snatching, panlalaslas, pananalisi, ang mga krimen na isinasagawa ng mabilisan!

Ang mga ito ang pinaka-karaniwang krimen na nasasagupa ng mga biyahero’t motorista araw-araw. Gamit ang iba’t ibang estratehiya, naikakasa ng mga kawatan ang kanilang balak.

Manhid na ang publiko at hindi na bago sa kanila ang ganitong mga senaryo. Karaniwang dahilan ng mga nabiktima, wala ring magbabago sakaling isumbong nila sa mga awtoridad ang nangyari.

Babala ng BITAG sa publiko partikular ngayong “ber” months, asahan ng dodoble pa ang bilang ng mga kawatang lilipana sa lansangan.

Mabuting isaisip lagi ang pag-iingat upang hindi maisahan ng mga kawatan sa lansangan!

***

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via livestreaming  sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.

Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops – Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

 

Show comments