Tips for all Seasons (3)

Kung nagsususpetsa ka na may sumusunod sa iyong kotse­, mag-right turn ka ng apat na beses, it forms a circle. Kung nakasunod pa rin ito sa iyo, kumpirmado na sinusundan ka! Gumawa ka na ng hakbang para sa iyong kaligtasan.

Laging dumating nang 10 minutes earlier. Kung masasanay ka nang ganitong ugali, hindi ka na male-late kahit kailan sa iyong appointment.

Mas maganda ang busa ng popcorn kung itatago muna ito sa fridge bago lutuin.

Hindi mo malaman kung ang isusulat ay “affect” or “effect”. Para sigurado, just use word “impact”.

Kung hindi mo gustong malaman ng iyong tatawagan na ikaw ang tumatawag: I-dial mo muna ang *67 bago ang kanyang numero at hindi niya malalaman na ikaw iyon.

Tandaan o ilista ang mga bagay na ginawa sa iyo ng isang tao noong may sakit ka upang paginhawahin ang iyong pakiramdam. Ibig sabihin, kapag may sakit siya, iyon din ang nagpapaginhawa sa kanya. At iyon din ang gawin mo sa kanya kapag siya naman ang may sakit.

Sobra kang naiinitan? Patuluan ng tubig mula sa gripo ang iyong dalawang wrists hanggang 5 minutes. It will cool your blood down.

Ang iPad charger ay mas mabilis na mag-charge ng iPhone.

Bibili ka ng kotse? Mas mainam na bumili ka sa end of the month. Ang salespeople ay may quota na kailangan nilang maabot buwan-buwan. So mas generous sila sa pagbibigay ng discount dahil kailangang-kailangan nilang maka-quota ng benta.

Narito ang 100% epektibong pantanggal ng sinok (hiccup): Mag-inhale sa bibig, lumunok ng laway ng dalawang beses, at dahan-dahang mag-exhale sa ilong.

Show comments