Layang-layang: Ang ibon na kayang lumipad nang walang tigil sa loob ng 6 na buwan
NAKAKITA na ba kayo ng layang-layang (swift)? Ang ibon na ito ay madalas makitang lumilipad sa ibabaw ng karagatan, ibabaw ng ilog, ibabaw ng mga palayan at taniman. Karaniwang lumalabas ang mga layang-layang kung summer. Mabilis silang lumipad na para bang walang ka-paguran. Tila paglalaro lamang sa kanila ang paglipad nang mabilis.
Pinag-aralan ng mga researcher sa Swiss Ornithological Institute ang behaviour ng mga layang-layang. Gusto nilang malaman kung saan namamalagi ang mga ito kung summer at saan nagma-migrate kung winter.
Anim na layang-layang ang kinaÂbitan nila ng electronic tags kung saan ay mare-record ang mga inpormasyon kung ano ang ginagawa nila sa bawat apat na minuto.
Makalipas ang isang taon, muli nilang hinuli ang mga layang-layang na may electronic gadget at kanilang natuklasan ang mga ginagawa ng layang-layang. Kapag summer, sa Europe pala nagtutungo ang mga ito para mangitlog at kapag winter, sa Africa naman ang destinasyon nila.
Subalit ang labis na ikinahanga ng mga scientists sa layang-layang ay ang walang kapaguran na paglipad ng mga ito sa loob ng anim na buwan. Nabatid na kaya nilang magtagal sa ere ng anim na buwan. Walang pahinga sa paglipad.
Sabi ng research team member na si Felix Leitchi, kapag nagtutungo sa Africa ang mga layang-layang, hindi sila tumitigil sa paglipad. Lagi silang nasa kalawakan. Kapag nasa Sahara na sila, wala silang kakilus-kilos habang nasa ere at nagpapatangay lamang sa hangin. Araw at gabi ay nasa kalawakan sila at lumilipad hanggang sa makarating sa kanilang destinasyong lugar.
- Latest