Tips for all Seasons

Nangangati ang kagat ng lamok? Painitin sandali ang kutsara sa pamamagitan ng pagsawsaw nito sa hot water. Idiin ang mainit na kutsara sa area na kinagat ng lamok. Ang init ang magpapahinto sa kati na nadadama.

Upang maiwasan ang pulikat habang nagjo-jogging: Mag-exhale tuwing lalapat ang iyong kaliwang paa sa lupa habang tumatakbo.

Mapapatigil mo ang iyong paghatsing sa pamamagitan ng paglapat ng dila sa ngala-ngala.

Kung sasakay ka sa elevator at nakita mong may pu-mindot sa lahat ng floors (dahil nilalaro lang), mapipigil mo ang paghinto sa bawat floor kung pipindutin mo ulit ang bawat floor nang tig-dadalawang beses.

Kung gusto mong i-replay ang kanta sa YouTube na hindi pipindutin ang replay: I-type ang “repeat” sa pagitan ng www.youtube at “.com”

Gumawa ng sariling toppings sa ice cream, cup cakes or any of your favorite dessert: Durugin ang Oreo cookies sa blender.

Tinatamad magplantsa ng gusot na t-shirt? Ilagay sa dryer ang t-shirt na may kasamang ilang pirasong ice cubes. Paikutin ng 5 minutes. Gusot “gone”!

Para maging manamis-namis ang vodka na tutunggain mo, durugin ang candy at ibabad sa vodka ng isang araw.

Kumain ng asukal kapag napaso ang iyong dila.

Low bat na ang iyong cell phone ngunit walang chance na mag-recharge: Ilagay mo sa airplane mode ang iyong cell phone para bumagal ang pagbaba ng battery.

(May kasunod)

 

Show comments