PABORITONG tambayan ng mga holdaper ay ang mga pampasaherong bus! Nagkalat sila at kanya-kanyang diskarte kung paano makapambibiktima.
Nitong nakaraang linggo, sunod-sunod na sumbong ang inilapit ng mga biktima sa BITAG channel at BITAG hotline. Mga tipikal na sumbong ng pasahero na nangyari habang patungo sa kanilang pinagta-trabahuhan.
Matagal nang gawain ng mga holdaper ang pagtambay sa mga bus. At ngayong papalapit ang Pasko, walang dudang lalo pa silang sasalakay. Iba-iba ang pamamaraan ng kanilang pagtirada.
Babala ng BITAG sa mga commuter sa mga pampublikong sasakyan, mapa-air conditioned man o ordinary bus, FX at mga kauring sasakyan, maging alisto sa inyong kapaligiran. Maging paladuda sa ikinikilos ng mga kasamahang pasahero.
Mas makabubuti rin na huwag nang magdala pa ng mga mamahaling gamit at alahas na agaw-pansin sa mga holdaper. Inuulit namin, mag-ingat sa mga holdaper na tumatambay sa mga pampublikong sasakyan.
***
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops – Ride Along at BITAG, mag-log on sawww.bitagtheoriginal.com.